Abante Tonite Interactive

Sex for sale sa Burnham Park, 2 inaresto

By
1,513

Arestado ang dalawang lalaki matapos mahuli sa akto habang nag-o-oral sex sa Burnham Park, Baguio City noong Huwebes nang gabi.

Kinilala na lamang ng Baguio City Police Office (BCPO) ang dalawang lalaki sa mga alyas na Alex, naninirahan sa Brgy. Balsigan sa nasabing lungsod, at Ed, taga-Mountain Province.

Ayon sa ulat ng BCPO, batay sa sumbong ng security guard ng Burnham Park, nagroronda ito nang maaktuhan ang ginagawa nina Alex at Ed sa gilid ng comfort room ng Picnic Groove ng popular na parke.

Lingid sa kanilang kaalaman, agad na tumawag ang guwardiya sa pulisya

kaya nabulaga ang dalawa sa pagdating ng awtoridad at inaresto sila sa aktong nag-o-oral sex sa alanganing oras ng gabi.

Dinala ang dalawang suspek sa BCPO at nahaharap sa kasong public scandal.

Sabi ng BCPO, hindi ito ang unang pagkakataon na may mga nahuling indibidwal na nag-aalok ng serbisyong seksuwal sa Burnham Park.

Kaugnay nito, may plano na rin ang pamahalaang lungsod na magdagdag ng ilaw sa bahagi ng park at security guard na magbabantay dito.