Abante Tonite Interactive

Sex game kay misis: Lata bumaon sa puwet ni mister

0 348

Isang lalaki ang mabilis na isinugod sa emergency room para operahan nang ‘di sinasadyang pumasok at ma-stuck sa loob ng puwitan nito ang basyo ng isang air freshener pagkatapos umano ng ‘sex game’ nila ng kanyang misis,
Agad na itinakbo sa Francisco Moscoso Puello Hospital, capital ng Dominican Republic, Santo Domingo ang 40-anyos­ na biktimang hindi na pinangalanan dahil hindi na matanggal ang nasa­bing spray can ng Glade kung saan inamin mismo ng kanyang kabiyak na ito ang nagbaon.
Agad din namang natanggal ang bote sa puwet ng mister matapos ang halos dalawang oras na ope­rasyon kung saan stable na umano ang lagay nito at kasalukuyan nang nagpapagaling.
Nag-iwan naman ng kuryusidad sa mga doktor ang nasabing kaso dahil bihira itong mangyari kung saan kadalasang naiiwan sa loob ng puwerta o puwitan ay sex toys tulad ng dildos kabilang na ang mga gulay tulad ng upo, talong at iba pang mahahabang gulay.
Dahil sa insidente’y nagbabala ang mga doktor na palaging mag-­ingat at alamin muna ang mga mangyayari bago magtalik kung gagamit ng anumang gadget dahil maaari itong magdulot ng haemorrhaging, intestinal damage o iba pang injuries.