Abante Tonite Interactive

Sex nina Angel-Tony mabenta

4,266

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioKung sino man ang namamahala sa karera ni Tony Labrusca dapat siyang palakpakan at papurihan dahil sa kasalukuyan, hindi lang rising star of the moment si Labrusca, ginawa niya talagang this generation’s most important actor ang binatang makisig.

At Tony, Tony, paano ka nga ba ginawa? Una, binura agad ang ilusyon na match made in heaven ang tambalan nila ni Kisses Delavin. Mabuti at pinabayaan na siya kay Donny Pangilininan. Ang kanilang tambalan ano ang resulta, super mega flop ang Walwal.

Pangalawa, dalawang hindi makakalimutang mga katauhan agad sa mga kontorbersiyal na pelikula.

Sa second biggest box-office draw sa Cinemalaya ang ML, brutally tortured by a martial fanatic performed by no less than the living legend Eddie Garcia si Labrusca. Sa CinemaOne Originals Festival, he got his first best actor nomination sa universally acclaimed Double Twisting, Double Back bilang si Badgerm isang psychologically damaged gymnast.

At ngayon, may chance na ‘pag lumabas ang pitak na ito, baka 7 million na ang mga view para sa Glorious, ang made for television na pinagsasamahan nina Labrusca at Angel Aquino.

Sa true lang, hindi lang glorious ang movie, ORGASMIC pa ito dahil hotter than hot ang mga sexual congress scene na pinagsasaluhan nila ni Aquino.
Ang pangmalakasang views sa trailer nito ay isang patotoo na sex really sells lalo if it is tastefully presented at ang kunyari pang gumagawa nito ay two gorgeous individuals, ang 50 is the new 20 as personified by Angel and ang 20 na hot and horny as depicted by Labrusca.

Ang mga laplapan pa, todo talaga, huh! Higop kung higop! Para talagang French kissing ang modern day take sa pantasyang mas matandang babae na may naglalagablab na relasyon sa isang binatang puwede na niyang maging panganay na anak.

Experience has made Aquino’s character rich kaya Tony cannot seem to get enough of her.

Maliban sa glorious cine­matic kuyangyangan, ano pa kayang bagong insight ang maipapakita nito tungkol sa mga May-December affair?

Ano nga ba talaga ang mga dahilan para ang isang binata of 20 summers ay marahuyo sa isang babaeng golden girl? Ano naman ang mga pagbibigay kataru­ngang mamumutawi sa isang babaeng mas may higit na karanasan sa buhay para maniwala ang lahat na pagmamahalan ang kanilang pinagsasaluhan at hindi kati o libog lamang?
Well, lahat ng mga tanong, may masasagot na kapag ipinalabas na sa IWantTV ngayong Nobyembre. Kaabang-abang, huh!

***

Panganga ni Celeste, ‘wag ikalungkot Catriona babawi sa mga talunang beauty queen

Kung glorious sina Aquino at Labrusca, feeling sorrowful naman ang mga kapwa ko beauty pageants aficionado, huwag na tayong malumbay kung top 8 lamang si Ms. Philippines Celeste Cortesi sa katatapos lamang na Ms. Earth. Ikaw ba naman ang tinanong tungkol sa malnutrition tapos ang sagot mo ay ganito, “My perspective about malnutrition actually depends on my values and beliefs. I think it’s about res­pect and I think that respect is the key to serve the purpose of our knowledge and humanity, “ aasa pa ba tayo na siya ang mag-vi-viktoria?

Sa mga nagsasabing “maltreatment” daw ang pagkakarinig ni Bb. Cortesi sa “malnutrition,” ang diva that you love ang masasabi lamang ay maganda ka nga ning, o pero dapat, bago ka isinalang sa patimpalak kagandahan, maraming-maraming am ang pinainom sa kanya, ‘yung mainit na mainit para mapaso ang kanyang dila at magising ang brain cells, huh! Siguro kung nourished ka sa am, full of nourishment ang sagot mo tanong, hindi ba naman?

May tatlong kabogerang kandidata pa naman tayo na tiyak ay may ilalaban sa top three most important beauty pageants, si Catriona Gray sa Ms. Universe, si Katarina Rodriguez sa Ms. World at si Athisa Manalo sa Ms. International.

Huwag na tayong malungkot if we did not make the comment sa minor, minor titles. Ang Ms. Universe, World, International at Earth lamang ang beauty titles that truly matter kaya hamo na kung thank you girl or semi-finalist tayo sa mga ibang pageants.

With Gray, Rodriguez and Manalo, hope springs eternal. Alam nating aarya at raravan ang ating tatlong bathaluman.