Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sex o grade? Estudyante ni-rape ni sir

0 444

Matapos ang apat na taong pagtatago, bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang dating guro na may kasong pangggagahasa sa Quezon City, nitong Linggo.

Kinilala ni Brig. Gen. Jonnel Estomo, director ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) ang naarestong suspek na si Ramil Gara.

Ayon sa PNP, naaresto nila ang naturang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inihain ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 121.

Nabatid na ang suspek ay dati umanong senior high school teacher ng Notre Dame of Greater Manila sa Caloocan City.

SM food to go Banner Ad

Siya ay inakusahan ng panggagahasa ng isa niyang estudyante sa ibat ibang pagkakataon noong 2017.

Tinatakot umano ng suspek na ibabagsak sa grado ang biktima kapag hindi siya pumayag na makipagtalik.

Agad na nagtago ang suspek matapos na magsampa ng kasong rape ang ngayo’y 18-anyos nang biktima.

(Dolly B. Cabreza/Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.