Abante Tonite Interactive

Sex scene ng ‘Los Bastardos’ lumusot

561

Kinalampag ni House Minority Floor Leader Bienvenido ‘Benny’ Abante ang Movie and Television Review and Classification Board (MRTCB) dahil sa umano’y ilang malalaswang eksena sa palabas na ABS-CBN television series na ‘Los Bastardos’.

Sa plenary deliberation sa Kamara kaugnay ng P38.838 mil­yong budget ng MTRCB para sa taong 2020, tinanong ni Abante ang ahensya kung bakit nila pinapayagan ang ‘sex scenes’ sa ‘Los Bastardos’ ng Kapamilya network kung saan nagpapakita ng ‘frontal nudity’ sa mga eksena gayong maraming kabataan ang nanonood sa panghapong time slot.

Umalma si Abante na isang bishop ng Metropolitan Bible Baptist Church and Ministries nang malaman na ang mga malalaswang eksena sa naturang TV series ay nagiging hot trending topic sa mga social media.

“Bakit nakakalusot sa MTRCB na may trending topic. Top seven sex scenes sa Los Bastardos na nakalusot sa MTRCB,” tanong ni Abante.

Humihingi ng written explanation ang mambabatas kay MTRCB chair Rachel Arenas kung bakit pinapayagan ng board ang mga eksenang hindi angkop na panoorin ng mga bata sa telebisyon.

Ang Los Bastardos isang panghapong palabaas na mapapanood tuwing weekday na nagsimula noong Oktubre 2018 ng Kapamil­ya network.

Hango ito sa Filipino pocketbook novel na Cardinal Bastards. (JC Cahinhinan)