Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sex video ng 3 nene, totoy nilako online

0 111

Sinagip ng Philippine National Police Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) sa kamay ng cybersex ang apat na menor de edad sa Taguig City,

Sa pahayag ng WCPC, kabilang sa mga sinagip nitong Huwebes ang 6-anyos na lalaki, 9, 10, at 17-anyos na babae. Arestado naman ang isang suspek na siyang cybersex operator at kaanak ng isa sa mga biktima.

Puwersahan umanong pinapagawa ng mga malalaswa ang mga biktima sa harapan ng camera habang vinivideohan ng suspek at ipinapalabas online sa mga parokyano nito na karamihan ay mga foreigner mula sa ibang bansa.

“The videos and photos are also often sold and resold online repeatedly, or shared openly, perpetuating the abuse,” paliwanag ni Taguig City Anti-Traffiking in Person Division Police Col. Maria Sheila Portento.

Dinala na sa Social Welfare and Development Office ng lungsod ang mga biktima upang sumailalim sa trauma and recovery intervention.

Nananawagan naman ang mga awtoridad sa publiko na magsumbong sa kanilang tanggapan sakaling mayroong masaksihang pang-aabuso sa mga bata online sa pamamagitan ng pagkontak sa kanila sa e-mail address na alengpuliswcpc.didm@pnp.gov.ph o kumontak sa numerong 09197773777 o sa kanilang Facebook page. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.