Abante Tonite Interactive

Sex video sa 2-anyos binenta online ni Tito

636

Dinakip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki nang molestiyahin nito ang 2-anyos nitong pamangkin, ibugaw online at ibenta ang kanilang sex video.

‘Di na nakapalag pa ang suspek na si Randy (‘di tunay na pangalan) sa ikinasang entrapment operation ng NBI Anti-Human Trafficking Division sa Ermita, Manila.

Sa pulisya ay inamin ng suspek ang panghahalay sa pamangkin.

Nagagawa umano nito ang nasabing kahalayan dahil na rin sa kagipitan kung saan ang perang pinagkakakitaan nito ay pinambibili niya ng gatas at pinapambayad ng cellphone.

Lingid naman sa ina ng 2-anyos ay wala itong kamalayan na inilalako na ang kanyang anak.

Sa pagsisiyasat ay nabatid na matagal nang pinagkakakitaan ng suspek ang paslit kung saan ang maselang video o pagtatalik nila ng kanyang pamangkin ay ibinibenta online sa halagang $200 o katumbas na P10K kada video.

“May child pornography at nagla-live stream siya, ‘yung customer niya vini-video ang kalaswaan na ginagawa niya sa bata,” saad ng hepe ng NBI-AHTRAD na si Janet Francisco.

Isa naman sa bumili ng nasabing sex video sa Europa ay nadakip na, ayon na rin sa NBI.

Nakakulong na ngayon si Randy at nahaharap sa kasong human trafficking at child abuse.