Abante Tonite Interactive

Sex video sa anak binenta ni nanay

By
1 234

Isang ina ang dinampot ng pulisya matapos itong arestuhin ng mga tauhan ng Taguig City Police dahil sa umano’y pakikipagtalik sa menor de edad na anak, pambubugaw at pagbebenta pa nito ng kanilang sex video sa Taguig City.

Bukod sa 41-anyos na ina na itinago sa alyas Elvie (para na rin maproteksyonan ang pagkakakilanlan ng anak) ay kasama ring dinampot ng pulisya ang mister nitong si alyas Eric, 49.

Ayon kay Senior Supt. Alexander Santos, hepe ng Taguig City Police Santos, alas-siyete ng gabi nang maaresto ang mag-asawa sa kanilang bahay sa tulong na rin ng kanilang mga kapitbahay matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa ginagawa umanong pambubugaw sa kanilang dalawang menor de edad na anak.

Ayon kay Santos, nakuha ang cellular phone ng suspek na si Elvie kung saan nakita sa video na nakikipagtalik ito sa kanyang 13-anyos na anak na lalaki. Sa isa pang video ay inutusan naman niyang gumawa ng kahalayan ang magkapatid.

Inamin naman ng ginang na ipinadadala niya ang mga video sa kaibigang Amerikano na nasa US kapalit ng P1,200.

Ayon sa ginang ay taong 2013 pa niya nakilala ang dayuhan sa social media at buwan-buwan din siyang pinapadalhan ng sustento dahil sa kasunduang mapangangasawa ng nasabing kano ang kanyang 15-anyos na anak na babae.

“Sabi po kasi niya, tutulungan niya kami dahil marami daw po siyang natutulungan na mga bata at pina-aaral” sambit ng ginang.

Bukod sa nakitang mga video ay binugaw din ng ginang ang kanyang 15-anyos na anak na babae sa isang British national kung saan nakarekord din sa video ang pagtatalik ng dalawa.

Mariin namang itinanggi ni Eric ang pagbubugaw at sinabi nitong maghapon siyang nagtratrabaho bilang janitor.

Sinabi naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Guil­lermo Eleazar na ang dalawang anak ng mag-asawa ay dadalhin sa Taguig City Department of Social Welfare Development (DSWD).

Ang mag-asawang nakakulong ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9775 (Child Pomography) at RA 7610 o Anti Child Abuse Law.