Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Sexpa’ sinalakay sa QC

0 82

Isang spa na may extra service diumano sa mga kustomer ang sinalakay ng mga awtoridad sa Cubao, Quezon City kahapon nang hatinggabi.

Naabutan pa umano ng mga awtoridad sa akto ang dalawang masahista na nagbibigay ng extra service sa kanilang kustomer.

Agad na inaresto ang magkapatid na may-ari umano ng spa na sina Diane Rosales, 22, at Gemma Rosales, 52, kapwa ng Taytay, Rizal.

Tatlong massage therapist ng spa ang `nasagip’ kabilang dito ang dalawang lalaki na edad 18 at 24, at isang 28-anyos na babae.

Sa ulat ng Cubao Police Station 7, ng Quezon City Police District, alas-12:30 ng hatinggabi nang salakayin ang spa sa No. 9F Karen Building 9 sa Annapolis St., Barangay E. Rodriguez, Cubao.

Unang nakatanggap umano ang mga awtoridad ng impormasyon na bukod sa masahe ay nag-aalok ng extra service ang spa katulad ng pakikipagtalik ng masahista sa kanilang kostumer.

Ikinasa ang pagsalakay ng mga operatiba na pinamunuan ni Corporal Raymond Tabag kasama ang isang impormante na nagpanggap na kostumer.

Inihahanda na ng pulisya ang mga isasampang kaso laban sa magkapatid na may-ari umano ng spa. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.