Abante Tonite Interactive

Sexton naki-UAAP fever

252

By RP

Present si Collin Sexton sa Finals ng Magnolia at San Miguel, pati UAAP rubbermatch hindi pinalampas ng NBA player.

Nasaksihan ni Sexton ang buong laro kung paano nasungkit ng Ateneo Lady Eagles ang kampeonato matapos payukuin ang UST Golden Tigresses sa straight sets 25-17, 25-22, 25-22.

Tutok ang NBA player­ sa game, napuno ang PH experience sa kanyang pagdalaw sa bansa sa kauna-una­hang pagkakataon at napapalakpak pa sa spike ni UST graduating star Sisi Rondina.

Sa Twitter, tinanong pa ni NBA PH managing director Carlo Singson kung sino dapat ang suportahan na team ni Sexton.

Sagot naman ni da­ting Ateneo volleybelle Gretchen Ho: “Where is he seated? Let me ­orient him”

Nandito ang Cavaliers guard para sa Jr. NBA Philippines National­ Training Camp.