Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sexy actress ayaw sa may sabit

0 336

Ngayon pa lang ay marami nang nanghuhula na magkakaroon ng relasyon ang isang guwapo at magaling na aktor at ang isang seksing babaeng personalidad.

Sila kasi ang bibida sa isang serye, magtatagal ang kanilang pagsasama sa taping, kaya may mga nag-iisip na isang romansa ang mabubuo sa kanilang pagpapareha.

Kuwento ng isang source, “Ang male personality pa? Lapitin siya ng girls, very generous naman siya, kaya naku, after a few weeks lang, may ganap na sa dalawang ‘yun!

“Meron na bang tumanggi sa male personality? Malakas ang dating niya, karinyoso pa, kaya siguradong walang kawala ang sexy star sa charisma niya!” unang sultada ng aming impormante.

Pero may problema, mukhang masisira ang male personality sa pagkakataong ito, dahil ang kuwento ay hindi pumapatol sa pamilyado na ang sexy actress.

Patuloy ng aming source, “’Yun ang kumakalat na istorya, marami na ang nagtangka sa girl, pero walang nagtagumpay! Ayaw niya sa may asawa na! Binata ang gusto niya.

“Ewan lang, baka kay male personality siya masira, baka hindi niya matanggihan ang guy, dahil napakagaling nu’n pagdating sa kababaihan!

“May problema rin ang male personality, selosa naman ang wife niya. monitored siya ng girl, nabuking na kasi siya nu’n nang ilang beses sa pambababae,” pag-alala ng aming source.

Kilalang-kilala sa pagiging “malikot sa aparato” ang lalaking personalidad. Pero kadalasan ay hindi naman sa kanya nagsisimula ang aksiyon, babae ang nagpaparamdam sa kanya, very generous lang siya.

“Nu’ng naging problemado ang isang female personality sa husband niya, e, sa kanya naglabas ng sama ng loob ang girl. Umiyak nang umiyak sa kanya ang babae, awang-awa naman siya.

Related Posts

“Ang ending, may nangyari sa kanila, ganu’n siya katindi sa babae. Kaya itong bagong katrabaho niya, e, baka bumigay rin sa kanya.

“Lalo na kapag nalaman ng girl na taga-Dakota Harrison ang male personality, baka malokah siya!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

Abogado nanghinayang kay Claudine

Mukhang matutuloy na ang pagbabalik-pelikula ni Claudine Barretto. Binabalangkas na ngayon ng produksiyon ni Attorney Ferdie Topacio ang lahat ng aspeto para sa pagbibidahang proyekto ng aktres.

Kinakausap na nila ang direktor na hahawak kay Claudine, ang magaling na scriptwriter na si Eric Ramos ang maglalatag ng istorya, maging ang mga makakasamang artista ay inaayos na rin ng produksiyon.

Sabi ng magaling na abogado, “Sayang kasi ang talent ni Claudine kung hindi niya nagagamit. Sa maigsing role niya sa Mamasapano, marami siyang pinahanga.

“Wala pa ring kupas ang talent niya, magaling pa rin siyang umarte, nakapanghihinayang ‘yun kundi niya mailalabas,” papuri ni Attorney Topacio sa kanyang kliyente.

At panahon na talaga para muling humarap sa mga camera si Claudine Barretto. Tama ang sinabi ng kanyang abogado, nakapanghihinayang hindi lang ang kanyang husay sa pagganap, kundi pati ang panahong lumilipas na wala siyang ginagawang proyekto.

Seryosohin lang ni Claudine ang kanyang karera ay hindi na siya mahihirapang makabalik, nand’yan pa rin ang kanyang mga tagahangang sumusuporta sa kanya, magandang istorya lang ang kailangan para sa pagbabalik niya.

Hindi kumukupas ang kanyang ganda, malaki na rin ang ibinagsak ng kanyang timbang, sayang na sayang talaga ang panahong lumilipas na pinababayaan niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.