Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sexy actress babad sa bahay ng male singer

0 167

CRISTY Dapat pala ay naging seryosohan ang relasyon nu’n ng isang sexy female personality at ng isang palaging mukhang mabangong male singer.

Pero maraming kumokontra sa babae, hindi gusto ng mga miron ang seksing female personality para sa magaling at guwapong singer, kaya nauwi rin ‘yun sa hiwalayan.

Kuwento ng aming impormante, “Kilalang-kilala naman kasi ang image ng girl na palipat-lipat ng karelasyon. Natural, ayaw ng mga nagmamahal sa male singer na paglaruan lang siya ng girl!

“Kung makikipagrelasyon man ang male singer, ang gusto nila, e, ‘yung talagang pangmatagalan at hindi basta-bastang relasyon lang!” unang reaksiyon ng aming source.

Palaging nakababad sa bahay ng male personality ang sexy actress, kahit may trabaho ang singer, nandu’n lang sa kanilang bahay ang girl, na lalong hindi nagustuhan ng kampo ng male singer.

Patuloy ng aming source, “Ano ba naman kasi ‘yun? Hindi lang basta dumadalaw lang ang girl sa bahay ng boyfriend niya! Parang gusto na niyang du’n tumira!

“Natural, malaking abala ‘yun para sa pamilya ng male singer, kahit wala siya sa house nila, e, nandu’n lang ang babae. Inaasikaso siyempre siya ng mga kapamilya nu’ng lalaki!

“Saka conservative ang family ng male singer, hindi nila type ang ganu’n na nagbababad ang babae sa bahay ng lalaki!” kuwento pa rin ng aming source.

Kahit kuno ang management ng sexy female personality ay hindi rin sang-ayon sa mga ginagawa ng kanilang alaga. Napakaraming kontra sa kanya para sa male singer.

Sabi uli ng aming impormante, “May tumawag sa male personality, sinabihan siya na kumalas na agad sa girl dahil wala namang mangyayari sa relasyon nila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Paglalaruan lang kuno siya ng girl at pagkatapos, e, parang wala lang, parang nagkatikiman lang sila! This is the moment, sabi pa ng tumawag, kaya makipaghiwalay na siya sa sexy actress. ‘Yun na!” madiing pagtatapos ng aming source.

Marcos loyalista imbudo kay Pacquiao

Galit na galit ang mga loyalista ng pamilya Marcos sa madalas sabihin ni Senador Manny Pacquiao na hinding-hindi magiging Imelda Marcos ang kanyang misis na si Jinkee.

Ang pagpuna at pagkukumpara ay nag-ugat sa pagiging paboloso ng misis ni Pacman, alahada pa rin ito at puro branded stuff ang suot sa kanilang pag-iikot sa mga probinsiya, kaya palaging bina-bash si Gng. Pacquiao.

Pabolosa ang dating Unang Ginang, napakaganda nitong gumayak, sikat na sikat din sa buong mundo ang mga sapatos nitong koleksiyon.

Nagagalit ang mga Marcos loyalist, kinukuwestiyon nila si Pacman, bakit daw nagbibitiw ng salita ang senador-boksingero na hinding-hindi magiging Imelda Marcos ang kanyang misis?

Komento ng isang tagasuporta ng pamilya Marcos, “Tantanan na nila ang paggamit sa dating First Lady! Talagang no comparison! Natural ang kagandahan ni Imelda Marcos, hindi siya retokada! Hindi pinagkukumpara ang fake sa totoo!

Nilinaw rin ng kampo ng dating Unang Ginang na ang mga isinusuot nitong sapatos ay regalo lang sa kanya ng magagaling nating sapatero mula sa Marikina.

“Puro regalo ‘yun, si Madame Imelda ang parang model nila. Hindi niya ‘yun binibili, bigay lang sa kanya! Saka locally-made products ang ginagamit ni Frist Lady, hindi tulad ni Jinkee na puro branded at binibili niya!

“Huwag na nilang idinadamay pa si First Lady, hindi sila pinakikialaman nu’ng tao! Tama na ang panggagamit, gumawa sila ng ingay sa sarili nilang paraan!” matinding buwelta sa mag-asawang Pacquiao ng loyalista ng pamilya Marcos.

Leave A Reply

Your email address will not be published.