Abante Tonite Interactive

Sexy actress, binabalot ang mga tirang pagkain

By
6

SUMIKAT si sexy actress kasama ang mga kapwa niya member ng all-female group.

Ang grupo niya ay walang pahinga noon mula umaga hanggang inuumaga.

Kaya ang dami-dami niyang datung at nabibili niya lahat ng gusto niyang damit, sapatos, bag at pagkain.

Napupuntahan niya na ang mga lugar na gusto niya sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Nag-business si ate. Kumita naman.

Maraming siyang naging boyfriend.

Nagkawatak-watak ang grupo niya pero namayagpag pa rin ang beauty niya.

Marami pa ring kumukuha sa kanya sa mo­vie at TV.

Sa isang taping, nakasama niya ang isang ko­medyana. Nagchikahan sila sa kani-kanyang buhay ngayon.

Super-chika si sexy na maayos ang buhay niya. Ang lovelife niya, pabongga nang pabongga.

Mahilig daw ang kinakasama niya sa pagkain kaya super luto siya.

Madalas daw na maraming natitira sa mga nilu­luto niya kaya nagpapasasa ang mga kasama nila sa bahay.

Nahinto ang pag-uusap nina sexy actress at komedyana dahil dinner time na.

Nataong favorite ni actress ang ulam kaya takam na takam siya. Sa isang lamesa lahat ng mga jurtista. Lafangan na…

Nagulat si komed­yana sa dami ng foods na kinukuha ng katabi niyang sexy actress.

Inuna ni ate ang nilagang baboy. Kung makahigop ng sabaw si sexy actress, may sound effects.

Parang sinasaniban si ate. Tumitirik ang mga mata habang ninanamnam ang mainit na sabaw.

Pritong tilapia naman ang pinuntirya ni ate. Isinawsaw ang tilapya sa toyong may kalamansi at sili kasabay ang kanin na halos matapon na sa kutsara.

Nagulat ang ibang mga artista sa kanya. Ang lakas niyang kumain eh hindi naman siya tumataba.

Natapos na ang kainan…

Si ate, naiwan sa mesa. Nagpatulong pa sa catering na kumuha ng plastik para ibalot niya ang natirang ulam, kahit huwag na ang kanin.

Si komedyana na kasama niya sa room, nire-retouch na para sa susunod na eksena.

Biglang pasok si sexy actress kasabay si alalay na may dalang plastik.

Biglang tinawag sina sexy actress at kome­dyana para kunan na ‘yung eksena nila kasama ang bida.

1:00 AM, tapos na sila. Ligpitan na ng gamit.

Ibinilin ni sexy actress kay alalay ang mga gamit lalo na ‘yung nasa plastik.

Buhat-buhat ang mga gamit, biglang nabutas ang plastik.

Natapon ang sabaw ng nilaga, pati na ang prito.

Napatili silang tatlo, lalo na si komedyana.

Hindi pa nagsasalita si komedyana, chumika na si sexy actres na para sa aso nila ‘yun.

Eh nadulas si alalay na sabihing wala naman silang aso.

Moment of silence…

Dinedma na lang ang suma­bog na ulam.

Paglabas, beso-beso ang komedyana at sexy actress.

Sa loob-loob ni komedyana, “Akala ko ba, marami silang ulam? Aso ka d’yan!”

***

Sa mga manliligaw ko na mapagkunwari, humanda kayo na maging sawi!