Abante Tonite Interactive

Sexy actress kabit ng politician, nabisto ni misis

By
3,042

Kawawang government official, dahil sa kaputahan ng isang sexy actress nabuko ni misis ang indiscretion nila.

Napatanggal tuloy si ‘Babe-Mister’ sa mataas na posisyon niya sa gobyerno.

Kasi nga si sexy actress ay isinasapuso ang nabasa niya sa paborito niyang William Faulkner’s classic, The Sounds and the Fury to quote, “Once a bitch is always a bitch, what I say.”

Si sexy actress ay aktibong-aktibo pa rin sa paghahanapbuhay at pamumulitika kahit may katandaan na.

Always available kapag may invites. Basta may budget at ikalalawak ng kanyang political clout and goodwill.

Kaya go ang actress sa isang civic-political event para sa mga constituent na kinasasakupan ng kanyang kulukadidang government opisyal.
Wala si mister pero ang ligal na misis ay andu’n.

Knows ni actress.

Habang nasa entablado si sexy actress at aariba ng kanyang pamatay na kanta, nasumpungan niyang kumuha ng audience. Si esmi pa talaga ang in-invite sa stage. May lyrics sa celfon ni actress kaya ipinahiram kay esmi. Doon nabuking nu’ng mag-text si mister sa celfon ni actress, “Babe, andiyan pa ba ang misis ko sa event?” Naunang bumaba sa stage si misis dala ang phone. Binasa niya ang palitan nila ng mensahe. Nandoon sa thread ng messages ang mga binigay na mga regalo, malalaking cash and perks from a government official kaya si politician ay tinanggal sa puwesto.

Hindi lang kasi kinumpronta ni misis ang sexy actress, nagsumbong pa ito sa kinauukulan kaya natsugi ang kanyang mister.