Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sexy actress napagkamalang transgender

0 284

Nakakaloka ang pa-blind item ng isa naming source na palaging biyahe nang biyahe kapag meron itong mahaba-habang bakasyon mula sa kanyang trabaho.

Sa isang bansa sa Asia naganap ang kuwento, mahigpit sa airport ng nasabing bansa, hiwa-hiwalay sa pagpila ang mga biyahero ayon sa kanilang gender.

Kuwento ng aming source, “Natural, sa all-female luminya ang sexy actress, sa pila ng mga babae siya nandu’n, dahil babae nga naman siya.

“Prenteng-prente siyang nakapila nang lapitan siya ng isang Immigration officer. Pinaaalis siya sa pila ng mga kababaihan, du’n sa pilahan ng mga lalaki siya pinapupunta.

“Nagulantang siyempre ang sexy actress, bakit siya pinalilipat ng linya, e, tama naman ang pinuntahan niya, para sa mga babae lang?

“Nagtanong siya, bakit daw kailangan niyang lumipat? Tiningnan ng officer ang passport niya, tinitigan siya, pinagkukumpara ang picture niya sa passport ang itsura niya sa personal.

“Nakakaloka! Napagkamalan pala siyang transgender! Ang akala ng officer, e, lalaki siyang nagparetoke para maging girl!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Sa biglang tingin nga naman kasi ay puwedeng mapagkamalang transgender ang sexy actress dahil malaking bulas siya, matangkad ang sexy actress, matigas din ang dating ng face niya.

Patuloy ng aming impormante, “Naku, hindi niya puwedeng idenay na nangyari sa kanya ‘yun, ‘no! Maraming Pinoy na witness sa nangyari! Talagang nilapitan siya ng Immigration officer para palipatin siya ng linya!

“Nakita ‘yun ng mga kababayan natin, pati ang reaction ng officer na napakamot na lang ng ulo. Oo nga naman, sa biglang tingin nga pala, e, mapagkakamalan mo talaga siyang transgender kahit pa meron naman siyang body beautiful!” humahalakhak na pagtatapos ng aming source.

Baho ni Vivian kinalkal

Maraming nagkokomento na nagmamalabis na ang dila ni Vivian Velez. Binibira siya ngayon sa social media, pinakakain ng ampalaya at pinaglalangoy sa apdo, dahil sa pinakawalan niyang hindi lang maaanghang kundi panglalait na paglalarawan kay Vice-President Leni Robredo.

Nagmamalabis na ang pagkokomento ni Vivian, nakakalimutan yata niya na ang taong inaaglahi niya ay ibinoto ng taumbayan, sa posisyon na lang ng pangalawang pangulo ng ating bayan ay dapat na siyang kilabutan.

Naging marahas ang sexy actress sa pagsasabing bobo si VP Leni kaya nagpanggap na kunwari’y matalino sa pagsusuot ng salamin habang pinalilibutan ng mga libro sa kanyang tabi.

Kahit ang mga nakakausap naming purong DDS ay hindi nagkagusto sa mga salitang binitiwan ng aktres, iisang kulay ang kanilang pinapaniwalaan, pero nangilabot sila sa katabilan at kabastusan ng dila ni Vivian Velez.

Maraming nagpapalagay na nagpapabibo itong si Vivian para maging malapit siya sa kusina ng Palasyo. Gusto niyang ipakitang kinakalaban niya ang sinumang kumokontra rin sa kanilang panig.

Ano tuloy ang nangyari? Mayaman sa pag-alala ang ating mga kababayan, maraming umungkat sa betamax issue ni Vivian Velez, pinaglaruan tuloy pati ang kanyang edad.

Wala siyang puwedeng sisihin kundi ang kanyang dila. Masyado niyang minenos at inatake nang personal ang vice-president ng ating bayan, kaya ayan, binulatlat din ng mga Dilawan ang kanyang nakaraan.

Sabi ng kaibigan namiing propesor, “Ano na ba ang nangyayari kay Vivian Velez? Hindi ba siya aware na nakaupong vice-president ang inaatake niya nang personal?

“E, ni hindi nga siya vice-president ng homeowner’s association, kahit fans club, napaka-KSP ng babaeng ‘yun!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.