Abante Tonite Interactive

Sexy actress natakot iwanan ng dyowang tiboli

880

NI:ARCHIE LIAO

Naging pantasya ng mga barako at kalalakihan ang actress na ito.

Seksi kasi at kapanta-pantasya ang kanyang alindog dahil isa siyang health buff.

Misteryosa rin ang actress dahil simula nang pumasok siya sa showbiz ay walang lalakeng na-link sa kanya.

Tahimik din at walang ingay ang kanyang lovelife.

Bagamat may mga umuugong na balita na t-bird ang aktres, nada-downplay lang ito ng kanyang sexy image.

Until lately,nabalitaan na lang na sumama siya sa kanyang tiboling lover.

Malakas ang bulung-bulungan na binigyan siya ng ultimatum ng kanyang lover para magtanan or else,goodbye na sila sa isa’t-isa.

Dahil mahal naman niya ang kanyang kabaro, napilitan siyang sumama. Join na rin siya para magtampisaw sa kaligayahan with her one and only.

Sino ang aktres na ito?

Tonite – Wendys Inhouse Ad