Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sexy actress P.5M per dyug

0 207

ROMMEL PLACENTE: Ang mga artista ay apektado rin ng pandemic Lumiit ang kita nila at‘yung iba ay talagang hindi na kumikita.

Pero kanya-kanyang diskarte ang mga ito para maka-survive at magkapera. Yung iba,dahil magaganda at guwapo kaya nagbebenta sila ng laman.

Siyempre,ang presyo nila ay malaki dahil artista.Pinapatulan naman ang asking prize nila dahil nga artista.Sulit ang bayad dahil natikman ang mga kilalang tao na tulad nila.

Sa kaso ng isang young actor,mga ka-Cuatros,may naririnig kami na hindi man siya nagbebenta ng laman pero pumapatol umano ito sa mayamang bading At least,isa lang ang gumagamit sa kanyang katawan.

Itong young actor na ito ay may mga shows naman.Maluho lang daw ito ,kumbaga, mataas ang lifestyle,kaya hindi sapat ang kinikita.

RODEL FERNANDO: Ngayong pandemya ay marami ang nawalan ng trabaho kaya ‘yung iba ay kumakapit sa patalim. Ang isa ngang young actress na nasa malaking network ay naging gawain na ang magpabugaw. Lalo na ngayong pandemic ay naging talamak na siya sa pagbebenta ng aliw.

Namumuhay ngayong mariwasa ang young actress at sunod lahat ng luho. At hindi niya napapabayaan ang kaniyang pamilya na umaasa sa kanya. Ang nakakaloka lang ay kahit super gurang na ay pinapatulan pa niya basta kumita lang ng pera. Pero minsan daw ay may mga parokyano rin siya na mga batang businessman. Mukhang magpapatuloy pa sa ganitong kalakaran ang young actress habang hindi pa siya nagkakaedad.

MILDRED BACUD: Ang nakakaloka pati mga artistang babae nagpapa-booking na rin, hindi lamang mga kalalakihan. May mga kilala tayo sa showbiz na tinatawag na mga bugaw.Sila ang nakikipag negosasyon. ‘Yung isang aktres 500k ang asking fee.Meron pa nga milyon. Depende kung sikat o starlet. Pero siyempre, mas marami ang mga aktor. Bentahe rin talaga ang nasa showbiz. Kumbaga kapag artista proud ang kahit sinong matrona o bading na may karelasyon na guwapong artista. Sa ngalan talaga ng matinding pangangailangan.

Biglang nag-flashback sa akin mga ka-Cuatros ang kaibigan nating si Atorni. Hindi ako makapaniwala na pumatol sa kanya ang isang aktor. Nu’ng ininterview ko kasi siya dati sinabi niyang may dignidad daw siya at hindi papatol sa bakla. ‘Yun pala ay binahay na siya nito kahit pa aktibo siya sa showbiz.

ROLDAN CASTRO: Naku, may dagdag akong tsika sa ilang sexy starlet na magkakasama sa isang show. Pa-booking na rin umano sila. Pinakamababang TF daw ay tumatanginting na kalahating milyon.

Ang nakakalorkey ang aktor na kasama nila sa show ang umano’y bugaloo nila.

Barya-barya pa kasi ang kinikita nila sa show kaya pinasok na rin nila ang pagbebenta umano ng ‘sariwang karne’.

Hindi na kasi sila nakakaraket ng mga live show, corporate events dahil nga sa Covid crisis. Dahil dito, nagbibigay na lang daw sila ng panandaliang aliw.

Zino Zila?

Leave A Reply

Your email address will not be published.