Abante Tonite Interactive

Sexy actress salawahan sa hunk actor

401

Sa isang umpukan ay naalala ng mga nandu’n ang kuwento kung bakit nagkahiwalay ang isang guwapong hunk actor at ang isang sexy actress. Maganda ang kanilang samahan hanggang sa nahuli ng male personality ang lihim na ginagawa ng kanyang sexy girlfriend.

Kuwento ng aming source, “Nakakahalata na nu’n ang male personality na may milagrong ginagawa ang girlfriend niya. Pagkatapos kasi ng taping ng girl, e, tumatawag na agad sa kanya ‘yun!

“Pero napansin ng guy, bakit wala nang tawag sa kanya ang girl? Kapag tine-text niya, ang palaging sagot ng girl, e, pagod na pagod na raw siya, uuwi na at magpapahinga.

“Hinayaan lang ng male personality ang mga idinadahilan ng girl, pero one day, e, sobrang kinabahan siya. Parang may kung anong ikinanerbiyos ang male personality,” biting kuwento ng aming impormante.

Nagbantay sa malayu-layong lugar ang male personality, kita niya du’n kapag paalis na ang kanyang girlfriend, dahil tapos na ang trabaho nito.

Patuloy ng aming source, “Tinawagan niya ang girl, hindi sumasagot. Nag-text siya, ang sagot ng girl, meron pa siyang gagawing ilang eksena, hindi pa siya tapos sa taping.

“Sinundan ng guy ang girl, sa isang tagong restaurant bumaba ang girl na nagkunwaring nagtatrabaho pa.

“Nahuli ng guy ang girlfriend niya, nakikipagkita pa sa isang hunk actor na sa pagkakaalam niya, e, may girlfriend ding female personality.

“Nahuli na niya ang da-lawa, pero nag-text pa ang girl sa boyfriend niya, ‘I’m done. Uuwi na ako. Very toxic ang maghapon ko.’ Galit na galit siyempre ang guy, matagal na pala siyang niloloko ng girlfriend niya!

“At ang hunk actor, napakalakas ng loob na pumasok sa isang magulong sitwasyon! Meron siyang girlfriend, may boyfriend ang idine-date niya, ‘di ba naman super-two-timer lang ang maitatawag sa kanya?

“Sige, magsalita ngayon ang hunk actor na walang third party sa pagbi-break nila ng long-time girlfriend niya! Magsalita siya!” napapailing na pagtatapos ng aming source.
***

Willie may lihim
na karelasyon

Sikat na sikat, pero tahimik ang buhay at career ni Willie Revillame. Malayo ang kanyang bituka sa social media, wala siyang kahit anong account, kaya libre siya sa bashing at kontrobersiya.

Nature ang palagi niyang kasama nga­yon, basta libre siya at nakapag-taping na ng mga episodes ng Wowowin ay wala siyang ibang pinaglalaa­nan ng panahon kundi ang nabili niyang private resort sa Mindoro, ayon sa mga kaibigan naming nakarating na sa Puerto Galera ay sobrang ganda ng kanyang beach resort.

Parang sa Tagaytay rin ‘yun na may mga villas, gumastos nang ilang mil-yon si Willie para matakpan ng puting buhangin ang nasasakop ng kanyang pribadong resort, ganu’n niya pinaganda ang nabili niyang propyedad sa Puerto Galera.

Magaling sa paghawak ng pananalapi si Willie, puro properties ang pinag-lalaanan niya ng kinikita ngayon, pero ang hilig niya sa magagarang sasakyan ay nand’yan pa rin.

May mga nagtatanong sa amin kung masaya raw ba naman ang lovelife ni Willie, sa pagkakilala namin sa aktor-TV host ay hindi kumpleto ang buhay kapag wala siyang inspirasyon, kaya siguradong meron siyang itinatangi sa ngayon.

Alam namin kung sino, kilala namin ang nagbibi-gay-sigla sa kanyang personal na buhay ngayon, kami pa ba naman ang mahuhuli tungkol sa buhay at career ni Willie Revillame?

Pero mas magandang sa kanya na manggaga-ling ang kumpirmasyon, eksakto ang mga detalye kapag siya ang nagsalita, dahil siya ang sangkot sa relasyon.

Pero tama lang na maging pribado ang kanyang lovelife, ibinibigay niya na sa publiko ang lahat-lahat, kaya dapat lang namang may itira siyang kahit kaunti lang para sa kanyang sarili.