Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sexy actress trip si Leonard Naglalaway kay Kawhi!

0 341

NAGPAPALIPAD-HANGIN ba ang aktres na si January Jones kay Clippers star Kawhi Leonard?

Pagkatapos tulungan ni Leonard ang Los Angeles sa 126-111 panalo kontra Dallas noong Huwebes, nag-post ng Instagram stories si Jones.

Hindi lang isa, kundi dalawa pa.

Sa una, photo ng pawisang Kawhi, nakasampay ang tuwalya sa leeg. Nilagyan ng dating star ng ‘Mad Men’ ng caption na “Future boyfriend?? @LAClippers” at heart-eyed emojis.

Sa pangalawang larawan na parang video capture din kasunod ng una, nilagyan ni Jones ng caption na “(telephone emoji) me Kawhi.”

Nagpapatawag si Jones?

Tahimik ang buhay, pero may dalawang anak na sina Leonard at long-time girlfriend na si Kishele Shipley. Kaya, malamang dedma si Jones.

Kontra Mavericks, pasiklab si Kawhi ng 29 points, 5 rebounds at 6 assists. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.