Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sexy actress type igarahe ng bilyonaryong dyowa

0 362

Milyonaryo kundi man bilyonaryo ang matagal nang karelasyon ng isang sexy actress. Mahirap ang long distance relationship pero nananatiling maayos ang kanilang relasyon.

Sa ibang bansa na naninirahan ang lalaki na may matagumpay na business du’n, gusto na sana nitong makasama sa ibang bansa ang magandang sexy actress, pero hindi pumayag ang girl.

Kuwento ng aming source, “Kung tutuusin, e, puwede nang hindi magtrabaho ang female personality dahil sobra-sobra pa sa mga pangangailangan niya ang kayang ibigay sa kanya ng boyfriend niya.

“Sobrang yaman nu’ng lalaki, mula siya sa prominenteng family, ibinigay na sa kanya ang isang business nila na ipinagpatuloy niya sa ibang bansa.

“Ang gusto sana ng guy, e, magpakasal na sila, tumigil na sa pag-aartista ang girl, pero hindi nangyari ‘yun,” unang sultada ng aming source.

May pangarap ang female personality, gusto niyang paghirapan ang katuparan nu’n, ayaw niyang basta umasa lang sa kanyang karelasyon.

Patuloy ng aming source, “Pinabibili na nga siya ng bahay nu’ng guy sa isang exclusive subdivision, pero hindi siya pumayag. Du’n pa rin sila nakatira ng family niya sa dati nilang bahay na kinalakihan niya.

“Masuwerte ang guy, in fairness, dahil hindi mukhang pera ang female personality. Wala siyang pakialam kung mapagod at mapuyat man siya sa pagtatrabaho, ang mahalaga, e, pinaghihirapan niya ang anumang meron siya ngayon.

“At alam n’yo bang marami nang Boogie Wonderland ang kumo-contact sa kanya para mai-date ng mga alam n’yo na? Pero bigo silang lahat, deadma lang ang girl!

“Napaka-sexy naman kasi ng babaeng ‘yun! Sexy na siya, e, maganda pa at magaling siyang umarte, sa totoo lang! Bakit pa nga naman siya papatol sa mga alok ng pakikipag-date, e, hindi naman siya nagugutom?

“Kung papayag nga siyang magpakasal na sa boyfriend niya, e, buhay-reyna siya sa ibang bansa. Pero matayog ang pangarap niya, gusto niyang maabot ‘yun sa sarili niyang pagsisikap!” pagtatapos ng aming source.

-o0o-

Bong makakalabas na sa ospital

Totoong-totoo ang kapaniwalaan na mas maraming nagdarasal ay mas mabilis na bumibiyahe sa Itaas ang mga hiling at intensiyon.

Nagdelikado ang buhay ni Senador Bong Revilla, hindi biro ang kanyang pinagdaanan, nabulabog ang kanyang pamilya, mga kaibigan at tagasuporta nang isugod siya sa ospital dahil sa pneumonia.

Humingi ng panalangin si Mayor Lani Mercado, nagbuhos din ng kanyang panalangin sa social media ang kanilang anak na si Vice-Governor Jolo Revilla, sinsero ang kanilang hiling na sana’y maligtasan ng aktor-pulitiko ang bagong paghamon na dumating sa kanyang buhay.

Dininig ang kanilang mga dasal, pati ang panalangin ng kanilang mga kaibigan at tagasuporta, ngayon ay ligtas na si Senador Bong at ilang araw pa mula ngayon ay makauuwi na siya.

Maganda na ang pagtanggap ng kanyang sistema sa mga gamot, mabilis ang kanyang paglakas, naligtasan ni Senador Bong ang isang delikadong sitwasyon na kundi naagapan ay maaaring pagbuwisan niya ng buhay.

Sinsero ang pasasalamat ng aktor-pulitiko sa lahat ng mga nagdasal para sa kanyang paggaling. Hindi bumitiw sa panalangin ang mga taong nagmamahal sa kanya.

At siyempre, hindi niya maaaring kalimutan ang Diyos sa pagpapala sa kanya, higit kaninuman ay utang niya sa Panginoon ang pagbuti ng kanyang kalagayan ngayon.

Patuloy na pagpapagaling na lang ang kailangan pang gawin ngayon ni Senador Bong Revilla, ang bingit ng kawalan ng pag-asa ay nalundagan na niya, maraming salamat nga naman sa lahat ng mga sumuporta at hindi bumitiw sa kanyang pinagdaanang mapamuksang salot na nagpapahirap ngayon sa buong mundo.

(30)

Leave A Reply

Your email address will not be published.