Abante Tonite Interactive

Sexy personality mabaho ang ‘bulaklak’

By
666

tonite-no-thanks-cristy-fermin

NAKATUNOG ang isang sexy personality na binitiwan na ng isang milyonaryong businessman ang karelasyon nitong female personality. Agad niyang tinawagan ang isang matchmaker.

Pinagandang tawag lang ‘yun sa Boogie Wonderland, mga taong naglalako ng mga kababaihan sa mga mayayamang lalaki, inalam niya agad ang kuwento kung bakit binitiwan na ng businessman ang magandang babaeng personalidad.

Walang alam sa kuwento ang matchmaker, walang nakuhang sagot ang sexy personality, kaya tinawagan niya naman ang isa pang Boogie Wonderland para makibalita siya.

Kuwento ng aming source, “Na­laman niya na mukhang nagsawa na ang businessman sa mga hinihingi ng female personality. Sobra-sobra na raw kasi ang tulong na naibibigay nu’ng businessman sa family ng girl, pero palaging kulang pa rin.

“Sabi ng sexy personality kay kuya, ‘Ako, may kabusugan ako. Hindi ako masyadong palahingi. Kuya, ako na lang ang ipakilala mo kay ____(pangalan ng milyonar­yong businessman). Hindi ka mapapahiya sa akin.’

“Nag-isip ang matchmaker, okey lang siya nang okey sa sinasabi ng sexy personality, pero sa likod ng isip niya, e, mukhang magkakaproblema siya!

“Nakarating kasi sa kanya ang kuwento kung bakit binitiwan ng isang kilalang figure ang girl na matagal din niyang hinawakan. Sunod ang lahat ng layaw ng sexy personality, lahat ng gusto niya, e, ibinigay ng milyonaryong guy.

“Pero bumaklas ‘yung lalaki, very personal ang dahilan. Maganda at sexy lang daw ang girl sa tingin pero may problema sa kanya.
“Hindi raw mabango ang garden ng girl. Kahit anong ganda at sexy at kinis nga naman ng babae, kapag hindi kabanguhan ang kanyang flower garden, e, malaking problema ‘yun!

“Nagdalawang-isip ang matchmaker, huwag na lang, dahil mapahiya pa siya sa milyonaryong businessman na pinupuntirya ng sexy perso­nality!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Kris ‘di kayang pabagsakin

HABANG abalang-abala ang ibang tao sa pagpipinta ng itim sa kanyang pangalan, habang aligagang-aligaga ang mga walang magawa para siya ibagsak, ay nagpapakapagod naman si Kris Aquino sa pagharap sa kanyang mga kompromiso.

Sa totoo lang, ‘yun ang positibong kapaguran, ilang araw lang niyang bibigyan ng panahon ang paggawa ng commercial ay mil­yones na agad ang pumapasok sa kanyang kaban.

Tawa kami nang tawa sa kuwento ng isang nagtatrabaho sa isang kilalang agency na humahawak sa paggawa ng mga TVC ng mga sikat na produktong si Kris ang nag-eendorso.

Sabi nito, “Hindi siya maarteng katrabaho, very professional siya, pero kumbaga sa mga track and field players, una muna ang jogging.
“Marami siyang tanong. Lahat, inuusisa niya. Marami siyang kuwento. Jogging muna bago ang rektang pagtakbo. Pero kapag naka-ready na ang lahat, wala ka nang poproblemahin!

“Ginagawa niya ang nasa story board. Hindi siya nagmamarunong. Alam niya na tama ang ginagawa ng ahensiya, kaya sumusunod siya. Saka hindi siya maramot sa mga kaila­ngang gawin.

“Siya pa nga ang nagsasabing hindi siya satisfied sa first take, kailangan daw ulitin, concerned siya sa kalalabasan ng trabaho niya.

“Ganu’n ang masarap katrabahong endorser. Kung kuwentuhan, kuwentuhan lang, pero kapag kasado na ang lahat, diretso na siyang magtrabaho,” kuwento ng aming source.

Pero ang pinakamarkadong linyang naririnig namin mula mismo sa mga ahensiya ay ibang-iba kapag si Kris Aquino ang modelo ng produkto.
“Nata-translate sa sales ang pag-e-endorse niya. Bilyong transaction ang paglalabas ng brand, suntok sa buwan talaga kung babalik ang puhunan ng company.

“Kapag si Kris ang endorser, pre-sold na ang produkto. Negosyo ito, kailangang bumalik ang puhunan at ang tubo, kaya si Kris Aquino pa rin ang kinukuhang endorser,” paliwanag ng aming source sa agency.
Panalo!