Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sexy star ginamit ang yayamaning guy

0 116

‘Yung sexy personality na tanungin mo man sa sarili nating wika pero Ingles nang Ingles ay tandang-tanda ng aming mga impormante na ipinaglihi sa hinog na hinog na mangga.

In short, user ang sexy star, marunong sa buhay, alam niya kung kailan siya papasok at lalabas, ganu’n siya kagaling.

“Ibang-iba na ang itsura niya ngayon! Napakalaki ng pagbabago ng face niya! Pero siya pa rin ang girl na nagpaikot sa anak ng isang amiga namin!” kuwento ng isang source.

Tandang-tanda pa ng mga ito ang lahat, kalahok pa lang ang sexy star sa isang talent search, kasama sa laban ang pataasan ng text votes.

Balik-kuwento ng aming source, “Naku, paasa ang babaeng ‘yun! Kyinondi-kyondi niya ang anak ng isang amiga naming yayamanin! Sobra niyang pinaikot ang guy!

“Dahil gusto niyang manalo, natural, nilambing-lambing niya ang guy na gumastos para sa mga text votes niya! Ang lalaki namang walang kaalam-alam, go lang nang go!

“Kaso, napakalaki na ng investment ng guy, kaya nakialam na ang mommy niya. ano nga naman ‘yun, ginagamit lang siya ng girl? Hingi nang hingi ng pang-load para sa text votes niya ang babae!” unang hirit ng aming impormante.

At hindi lang ganu’n kasimple ang lahat, ipinahiram pa ng lalaki sa kanya ang magagarbong sasakyan nito, kaya kapag dumarating siya sa shoot nila ng mga contestants ay bonggang-bongga ang dating niya.

Dagdag na istorya pa ng aming impormante, “Imagine, every week, puro branded cars ang ginagamit niya! Papalit-palit siya ng mga sasakyan talaga namang pinaglalawayan ng mga kasamahan niya!

“Ang drama niya nu’n, e, yayamanin ang family nila, marami silang sasakyan, kaya manghang-mangha ang mga kapwa niya contestants!

“Nu’ng wala na siyang mahihita sa guy dahil nanghimasok na nga ang mommy niya, e, walang kabusi-businang bigla na lang nawala ang girl! Kinuha ng mommy ng guy ang sasakyang ipinagagamit sa kanya!

“Ayun, naloka na lang ang mga kasamahan niya dahil nagta-taxi na lang siya. Wala raw kasi ang driver niya, umuwi sa probinsiya!

“Maraming kuwentong kutsero ang babaeng ‘yun na Ingles nang Ingles! Marami siyang ilusyon sa buhay! Saging lang ang may puso, ang may heart!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Derek, Ellen ‘di niloko ang publiko

Ayan, lumantad na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna, mahigit na isang buwan na silang magkarelasyon. Nahahati sa dalawa ang naging reaksiyon ng publiko sa pagharap nila sa katotohanan.

Manghang-mangha ang mga hindi sanay sa ganito kabilis na relasyon. Parang ipo-ipo nga naman ang pagkapanganak ng kanilang pagmamahalan.

Agad na nagbigay ng konklusyon ang marami na dahil mabilisan lang ang pagkahulog nila sa isa’t isa ay ganu’n din kabilis matatapos ang kanilang relasyon.

Pero may pambawi naman ang kanilang pag-amin, marami ring sumasaludo sa pagiging totoong-totoo nila, ikinumpara pa nga sina Derek at Ellen sa maraming magkarelasyong artista na nabubuhay sa kasinungalingan at pagdedenay.

Komento ng kaibigan naming propesor, “I salute them! In a world of lies, nagpakatotoo sila. Mas gusto ko na sina Derek at Ellen, hindi nila tayo pinaiikot!

“E, ang ibang personalities nga d’yan, e, ayaw pang umaming may relasyon sila, samantalang meron na nga silang anak! Nabubuhay sila sa lies!

“At least, ang dalawang ito, e, nagpakatotoo, hindi na nila niloko ang publiko, umamin na agad sila kesa sa paglaruan pa sila ng mga bashers!” madiing komento ni prop.

Ganu’n din ang mga naririnig naming opinyon ng iba pa naming nakausap, saludo ang mga ito kina Derek at Ellen, dahil hindi lang sila totoo sa kanilang sarili kundi maging sa buong mundo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.