Abante Tonite Interactive

Sexy star nagwala nang tanggihan sa bugawan

365

Hanggang ngayon ay hagikhikan ang mga bakla kapag nagpagkukuwentuhan ang tungkol sa isang transaksiyon na napurnada involving a former sexy star.

Noon kasi ay ma­tindi ang mga bugawan sa showbiz. Isang sexy star ang nakatakdang mag-show up sa isang mayamang parokyano.

Sa isang kilalang hotel ang venue. Dumating si sexy star pero sa kasamaang palad hindi siya nagustuhan ng customer. Hindi niya matanggap na mga kasabayan niyang sexy star ang napili.

Abante Hiring – IT dep

Pero binigyan pa rin siya ng customer ng tinatawag na “damage fee.”

Pagbaba sa hotel lobby ay nagwala si sexy star, nag-iiyak at inihagis ang “damage money.”

Nainsulto raw siya. Bakit daw siya ni-reject eh ang ganda-ganda naman niya.

Gumawa talaga siya ng eksena sa lobby at pinagtitinginan na siya ng mga tao.

At nagbanta pa ito na magsasalita sa isang talk show at isisiwalat ang mga bugaw na nagyaya sa kanya sa naunsya­ming transaksiyon pero hindi natuloy iyon.

Sino ang sexy star na nagwala nang ‘di napili sa booking?

Hmmm… habang tumatagal ay lalong gumaganda at sumeseksi siya. Feeling ko nga, kung ngayon nangyari ang transaksiyon, baka hindi siya naligwak.

Pero never na sigurong papatulan ni sexy star ang ganung klaseng transaksiyon dahil mayaman na siya ngayon at happily married na.