Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sexy star pinahamak ng ina

0 89

May mga naghahanap sa isang sexy actress na bigla na lang nawala sa gitna ng aksiyon. Aktibo siya nu’n sa paglabas sa mga serye, marunong din naman kasi siyang umarte, bukod sa may maipagmamalaking ganda at kaseksihan.

Siya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya, lahat ng obligasyon ay sa balikat niya nakaatang, pero bakit bigla siyang nawalang parang bula?

Kuwento ng aming source, “Hindi ba, pinasok niya ang walking business nu’n? May Boogie Wonderland na nagbu-book sa kanya? Pero binitiwan siya ng original booker niya dahil sa kaepalan ng mommy niya.

“Sinisira ng madir ng sexy star ang mga booking, diretso niyang kinakausap ang gumegetlak sa anak niya, kung anu-ano ang hinihingi sa mga clients.

“Natural, nasisira ang atake ng Boogie Wonderland, hiyang-hiya siya sa mga ka-booking ng sexy star dahil sa mga diskarte ni madir,” unang kuwento ng aming impormante.

Hanggang sa iginarahe na nga ng isang rich businessman ang sexy star. Ibinigay nito sa kanya ang lahat, pati ang bahay na tinitirhan ng kanyang pamilya ay ang yayamaning negosyante ang nagpatayo, based sa ibang bansa ang negosyante.

“Pero nagmamadali ang madir ng girl, alam niya namang may nagrarasyon na sa kanila ng lahat-lahat, pero pumapasok pa rin sa mga booking ang mudra niya.

“Napakaliit ng mundo ng mga negosyante, sa paglalaro pa lang nila ng golf, e, nagkakakuwentuhan na sila, nakarating sa rich businessman na suma-sideline pa rin sa ibang walk ang sexy star.

“Nakakaawang girl, dahil sa kagagawan ng madir niya, hiniwalayan siya ng yayamaning businessman. Hindi naman binawi sa kanya ang lahat-lahat, pero siyempre, stop na ang rasyon nila na walang pinipiling panahon.

“Iyak nang iyak ang sexy star sa tita niyang artista rin, isinusumbong niya ang kanyang madir na walang kabusugan. Loneliness ang nakaulayaw ng girl, biglang nawala ang kanilang palabigasan,” pagtatapos ng aming source.

Kris OA

Hindi dapat masamain ng mga bashers ang pagiging matutok ni Kris Aquino sa kanilang kalusugan ni Bimby. Kung maraming kababayan natin ang doble ang pag-iingat sa coronavirus ay kauna-unawa kung bakit nagiging parang paranoid si Kris.

Siya na rin ang naglantad na mahina ang kanyang sistema, konting bagay lang ay sapat na para ikapagkasakit niya, kaya tutok na tutok talaga ang TV host sa kanilang sitwasyon ni Bimby.

Ewan naman kung bakit sa halip na intindihin ay meron pang mga taong humuhusga sa mga pag-iingat na ginagawa ni Kris. Tinatawag siyang OA, palibhasa’y may gagastusin, na siyempre’y dinadamdam ni Kris.

May mga tao talagang walang magandang magawa sa buhay. Pinapatay nila ang mga taong buhay na buhay pa tulad ni Senador Bong Revilla at iba pang mga kilalang tao sa lipunan.

Mabuti naman at ligtas sa pagkakasakit ang mag-ina, negatibo ang swab test nila, maayos ang kalagayan ni Josh sa Hacienda Luisita kasama ang dating pangulo nitong ama-amahan.

Huwag na sanang dagdagan pa ng mga bashers ang kalungkutan ni Kris dahil sa pagkakabulilyaso na naman ng kanyang pagbabalik-telebisyon sana sa TV5.

Hindi pa sa kanya ang panahon dahil plantsado na ang lahat, nakahanda na ang buong produksiyon, pero nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Kris at ang kanyang prodyuser.

Ang kalungkutan ay nauuwi sa depresyon, nakapanghihina ng sistema, kaya dapat lang talagang tutukang mabuti ni Kris Aquino ang kanilang kalusugan ni Bimby na itinuturing na pagiging OA ng kanyang mga bashers.

Leave A Reply

Your email address will not be published.