Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sey mo Chiz? Heart bet kasiping ang aso

0 111

Pinatunayan na naman ni Heart Evangelista kung gaano kahalaga sa kanya ang kanyang alagang aso.

Sa Instagram kasi, may isang netizen ang nagtanong sa kanya na : “Will you still allow Panda in your bed if you have a child?”

Wala namang kagatol-gatol na sumagot ang Kapuso actress na anak na ang turing niya sa kanyang aso na pinangalanan pa niyang Pandita Ongpauco Escudero.

“@pandaongpaucoescudero is my child. She will always be in my life and will never be downgraded just because…whoever advises to let her stay outside or “bawal toh, bawal yan”can just take a chill pill and just shut up. Pandita Ongpauco Escudero is my daughter,” ani Heart.

Sey ng iba, wariý mas bet pa nitong kasiping umano si Pandita sa hubby.

May nang-iintriga pang hindi raw kaya pinagseselosan na ni Chiz ang kanyang ‘daughter’ na aso?

May mga nakakaunawa rin naman sa aktres kung bakit sobrang mahal nito ang kanyang aspin lalo na’t nagkaroon ito ng miscarriage sa baby nila ng politiko.

Dati nang nag-viral si Heart at ang kanyang pet dog.

Aniya, sobra ang pag-aalaga niya rito. Kumpleto ito sa vitamins at puro masasarap ang lafang nito.

Ngayong laganap din ang transmission ng Covid-19 virus dahil sa pandemya, binibigyan din niya ito ng proteksyon.

May sarili rin itong mask para hindi mahawa ng coronavirus.

Bea , Julia pasiklaban ang lovelife

Iniintriga ng mga netizen sina Bea Alonzo at ang girlfriend ng kanyang ex na si Julia Barretto.

Kapag daw kasi nababalita ang tungkol sa lovelife ni Bea at sa kanyang pakikipag-date, ayaw ring pakabog ni Julia, ang nobya ng kanyang ex na si Gerald Anderson.

Habang nagi-enjoy si Bea sa piling ni Dominic Roque sa kanilang romantic interlude sa Amerika, heto naman si Julia na may paandar din ang lovelife.

Spotted na naman kasi ang sweetness ng JuRald lately sa isang event kung saan nag-distribute sila ng relief goods sa isang komunidad sa Pundaquit sa Subic, Zambales.

Bago pa rito, sighted din ang showbiz couple sa kanilang bonding moments kasama mismo ang pamilya ni Julia, including Marjs sa kanilang Baguio getaway.

Nag-viral din ang naging yacht trip nila sa Subic kung saan nag-enjoy sila sa kanilang fishing expedition.

May mga bitchy observers kasing nagtatanong kung nagkukumpentensiya raw ba ang dalawa hindi lang kay Gerald kundi pati sa kanilang lovelife?

Sey naman ng iba, baka raw naman nagkataon lang ang lahat o coincidental lang ang mga post sa kanila.

Alonzo,Roque aamin na

Ayon sa kibitzers, good as confirmation na raw ang makitang magkasama sina Bea at Dominic. Senyales na it’s just a matter of time na aamin na ang dalawa tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Sa photo ng baby shower, walang asiwa factor si Bea na kasama si Dominic.

Keber na rin kung makunan pa silang magkasama ng napapabalitang boyfriend.

Ito ang kanilang mga komento.

“They look happy. She’s the prettiest now which means their relationship is going great, too. They look great together.”

“Lowkey Confirm hehehe”

“Mukha naman happy naka move on and blooming si Bea, infairness kahit dami di bet dalawa.”

“Kilig to the bone😍. Beautiful couple😉”

“Ay genuine happiness. It shows in faces.”

“Happy Hearts ♥️ ❤️❤️BeaDom go for it”

“Bagay Sila! ❤️❤️❤️💕”

“Bea is so blooming now. Goes to show her personal life must be thriving since yan focus niya ngayon. Dominic is good for her. And kita mo naman sa pic, napaka manly tingnan ni guy and bea looks delicate 💖”

“As per their body language, mukhang confirmed ng sila ❤️❤️❤️”

Matatandaang kamakailan lang marami ang kinilig sa komento ni Dominic na “i*y” with kiss emoji sa post ng aktres habang nasa Malibu beach.

Leave A Reply

Your email address will not be published.