Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robin, Mariel may regalong apartment sa kasambahay

0 281

Libreng pabahay ang handog ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa kanilang mga kasambahay sa panahon ngayon ng pandemic.

Nauna nang napabalita na si Dimples Romana ay nagbigay ng house and lot sa kanyang kasambahay

Sa kanyang latest YouTube vlog ay ipinakita ng TV host ang ilang pintuan ng apartment na ipinagawa ng kanyang mister .Dun din nakatira ang ilang Muslim families na tinutulungan ng action star noon pa.

Ayon kay Mariel, ang mga kasambahay na ito ay hindi sila iniwan kahit may pandemya .Patuloy silang inaaalagan kaya naman naisip daw ni Binoe na i-secure ang buong pamilya ng mga ito para hindi na mag-alala ang mga ito.

“Syempre, mag-aalala sila, ang dami-daming nangyayari, so mag-aalala sila sa mga pamilya nila. And we wanted to remove that worry away from them para hindi na nila ‘yung iniisip,” sey ni Mariel.

“Robin decided to take them under his wing. There’s a place wherein Robin takes care of a few Muslim families, and for the very first time, we opened their doors to Christians, to Catholics like myself, for our staff.

“It is because they are also sacrificing so much for their families, it is because they have showed us loyalty, nagpakita sila ng pagmamahal sa amin at gusto naming suklian ng pagmamahal din ‘yung ipinapakita nilang pagmamahal at mabuting serbisyo sa amin,” dagdag pa niya.

Ang ilan sa mga nabigyan ng bahay ay si Erna na labandera at cook nila for 10 yrs, si Sister Jam and Belen na all-around helpers, Elsie, at ang mga yayang sina Jo at Analyn na matagal na ring naninilbihan sa kanila.

Abot-abot ang pasasalamat ng mga staff sa kabutihan ng kanilang amo at maging sina Mariel at Robin ay masaya rin na naisaayos din nila ang kalagayan ng pamilya ng kanilang kasambahay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.