Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sey mo Mr. M? Star Magic nagningning sa Twitter

0 77

Ang bongga talaga ng mga Kapamilya fan! Top trending nitong Martes ang (July 13) ang dalawang topic sa Twitter na may kinalaman sa premier talent agency sa bansa na Star Magic ng ABS-CBN.

Winner sa libo-libong mga tweet ang “#TheMagicContinues” at “StarMagic ShinesBrighter,” kung saan puring-puri ng Twitterdom ang galing nila sa pag-manage at pagpapasikat ng mga artista.

“Star Magic and ABS-CBN are the home of the brightest and amazing actors, actresses, singers, dancers, directors, and other personalities. Yes! #TheMagicContinues,” sey ni @IsaacNormanNav2.

“Digital na nowadays kaya kahit walang prangkisa ang @abscbn their artists shine like in music, humahataw ang mga taga Star Magic. I personally thank them cos ever since I’m a Kapamilya… #TheMagicContinues,” tweet naman ni @zelmz2.

Kaloka nga na the day before nag-trending ang Star Magic ay mismong mga fan ang nag-organize ng kanilang Twitter party. Syempre pa, kanya-kanyang bida rin ng mga paborito nilang Star Magic talents ang mga fans gaya na lang ng love teams na KathNiel, LizQuen, SethDrea, KyCine, DonBelle, pati na Kapamilya stars like Kim Chiu, Zanjoe Marudo, Joshua Garcia, at iba pa.

Bongga rin naman kasi talaga ang Star Magic, na nito lang nakaraang buwan ay nagdaos ng “Black Pen Day” kung saan mahigit 40 artists ang pumirma ng kontrata sa kanila.

Pagbubunyag pa ni Star Magic and ABS-CBN entertainment production head Laurenti Dyogi, nasa plano na talaga nila to go global, “To see our artists perform alongside the best artists in the world is what we will strive to achieve.”

Well, abangan natin! Hindi na rin masama makakita ng bagong Filipino talent conquering the global stage, ano!

Ano kaya ang masasabi ni Mr. M?

Leave A Reply

Your email address will not be published.