Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sey mo Paulo: Pilita type si Rayver kay Janine

0 273

Nagtaka at na-shock si Pilita Corrales nang malamang hiwalay na ang kanyang apo na si Janine Gutierrez kay Rayver Cruz.

“Alam mo. I like Rayver. Me too, I don’t know what happened. Ang sinabi, si Rayver ang umatras. Yun ang narinig ko. Yun ang sabi niya. ‘Mita, it’s Rayver’. Then what can you do, di ba?” kuwento ni Pilita sa isang panayam.

“Ayaw ko na manghimasok. ‘Uy, si Janine pala may boyfriend na ganito’, hindi ko naman kilala. Unless Janine talks to me, I cannot say anything,” sey pa niya.

Si Rayver ay nauugnay kay Julie Anne San Jose.

Si Janine naman ay nali-link ngayon sa kanyang partner na si Paulo Avelino. Hindi pa raw ito pinakikilala sa beteranang singer.

“Wala na akong magagawa. If it’s really meant to be, it’s meant to be. Kung talagang nagmamahalan sila, sino ba naman ako para magsabi… kumbaga hindi ko pa siya nakakausap until they come back,” sambit pa ni Pilita. (ART)

Leave A Reply

Your email address will not be published.