Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sey mo Sarah? Bea nangabog sa Tala

0 245

Habang nananahimik ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, suddenly in the news naman ang Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Trending sa Twitter ang movie queen na may pa-hashtag pang “Bea Alonzo is Tala”.

May shippers pa siyang inihanay talaga siya kay Sarah .May naglabas ng mga lumang video na sumasayaw at umiindayog ang actress sa saliw ng hit song na “Tala.”

Speaking of Tala, nangabog ito sa Twitter universe dahil ito ang role na gagampanan ni Bea sa upcoming Hollywood movie .May pamagat ito na “Angel Warrior” na ipoprodyus ng Inspire Studios founder na si Francis Lara at ng boxing icon na si Manny Pacquiao.

Sa nasabing pelikula, gagampanan ni Bea ang role ng isang pre-war era Pinay na naging underground guerilla fighter noong panahon ng Japanese occupation.

Ito rin ang first time ni Bea na mag-aaksyon kaya pinakaaabangan ito ng kanyang mga faney.

Vice nanggigil kay Anne

Hindi napigilang manggigil ni Vice Ganda sa post ni Anne Curtis habang ipino-promote nito ang isang produktong ini-endorse.

Feeling kasi ng komedyante at “It’s Showtime” host, nawiwili na si Anne sa kanyang estado ngayon .Animoý wala na itong balak magbalik sa nasabing noontime variety show.

Sa tonong may pagkaimbudo at may halong paglalambing, pinagsabihan niya ang aktres dahil puro commercial na lang inaasikaso nito.

Pabiro pa nitong hiniritang pumasok na si Anne sa hosting job nito sa “It’s Showtime” dahil nanggigigil na raw siya.

Tawa lang ang iginanti ni Anne at sinabing love nito ang kanyang sistah na co-host.

Sa isa namang post, pinarinig ni Anne ang kanyang talento sa pagkanta.

Aniya, ito umano ang kanyang kadalasang libangan at madalas niyang gawin ngayong panahon ng pandemya.

Ipinakita rin niya ang kanyang nakuhang score matapos ang kanyang pagkanta at umabot ito ng 98.

Tinanong pa niya ang kanyang followers kung nami-miss na ng mga ito ang pagbirit niya.

Eraserheads malabo ang reunion concert

Nagtrending sa Twitter ang OPM icon na si Ely Buendia.

May virtual concert kasi si Ely kasama ang Nobody’s Home: Superproxies ngayong darating na Oktubre.

Sa Twitter, nagpaunlak siya na sagutin ang ilang mga tanong mula sa kanyang followers.

Nag-request lang ang singer at occasional actor na gamitin ng netizens ang hashtag na Superproxies sa kanilang question.

Isa sa mga nakakakaintrigang tanong na naibato sa kanya ay kung kelan magkakaroon ng reunion concert ang Eraserheads.

Tatlo ang naging sagot ni Ely na ikinaintriga ng mga netizen.

Una, kapag daw tumakbong VP si Leni Robredo.

Sa pangungulit naman ng isa pang faney, sinagot niya itong : “Jesus should come back.”

Sa pangatlo namang follower, nag-reply siya na kapag daw nag-reunion na rin ang 4 of Spades na nag-disband noong Agosto, 2020.

May nagtanong din kung bakit walang ganap ang grupo niyang Pupil.

Sey naman niya, ang nasabing grupo raw ay on indefinite hiatus.

Sa tanong naman kung kailan siya muli magdidirek, aniya, sana raw kapag wala nang pandemic.

Dahil sa mga naging sagot na ito ng dating Eheads frontman, umani ito ng iba’t-ibang reaksyon sa netizens.

Opinyon ng iba, parang sinasabi raw nito na imposible nang makatrabaho pa niya muli ang mga kasama niya sa dating grupo.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Did he ask the other band members?”

“Parang sinabi na rin nyang “pagputi ng uwak”. Malabo.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.