Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sey mo Sharon?: Vilma, Nora bet makasama ni Maricel

0 478

Nag-post ang megastar na si Sharon Cuneta ng throwback photo nila ni Maricel Soriano na magkasama.

Ang caption nitya, “Ano na, Mary?! Itong babaeng ito mga 1,000 times ko na sinasabi na gumawa na kami ng movie!Ateng ko hintayin pa ba natin mag-65?!!! Eh bakit kasi tuwing bini-bring up ko iniiba mo ang topic!!!

“Ayan sinumbong na kita sa netizens para alam nila ikaw lang hinihintay ko! Tara na Mary!”

Interesado kaya ang Diamond Star na makasama ang Megastar sa isang proyekto?

Ayon sa source namin, ang dream project daw ni Maricel ay sabay na makasama sina Nora Aunor at Vilma Santos.

Mukhang di nababanggit si Sharon.

True kaya?

Alden waging ‘Cover of the Year’

Winner ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards, ang Prima Donnas actress na si Sofia Pablo, at Ultimate Star Jennylyn Mercado sa 2nd VP Choice Awards (VPCA) of Village Pipol Magazine.

Napanalunan ni Alden ang “Cover of the Year” award para sa December 2020 Village Pipol cover ‘The End/The Start: A Decade of Reflections with Alden Richards.’

“I would like to thank everyone who voted for me as the 2nd VP Choice Awards Magazine Cover of the Year. It’s an honor for me to have been receiving two awards from Village Pipol for two consecutive years. Maraming salamat po and more power!,” talumpati ng aktor.

Saad naman ni Sofia na nasungkit ang ‘Spotlight of the Year’ award, “Gusto ko pong pasalamatansi Papa God for another wonderful blessing and I would also like to thank my GMA Network family para sa patuloy ninyo pong pagtitiwala sa akin bilang artista, dahil po sa inyo naaabot ko po ang mga pangarap ko. Of course, to my GMA Artist Center family, maraming salamat po dahil lagi ninyo po akong ginagabayan sa lahat ng gagawin ko at tinutulungan ninyo ako na ma-achieve ‘yung best na kaya kong gawin.”

Si Jennylyn naman ay nanalong ‘TV Actress of the Year’ sa Philippine adaptation of the hit Koreanovela series ‘Descendants of the Sun.’

“Maraming maraming salamat sa Village Pipol at sa lahat po ng bumoto sa akin for this award. I am so grateful to all of you and it’s a privilege of mine to have all your support for so many years already. Thank you so much for inspiring me to do better and be better. Thank you po for this recognition,” sambit niya.

Congrats!

KathNiel nasungkit ang ‘TV Icons of the Decade’

Patuloy na nakatatanggap ng pagmamahal ang ABS-CBN at Kapamilya stars matapos umani ng parangal sa VP Choice Awards 2020 kamakailan lang, kabilang ang TV Station of the Year.

Mula sa anim na nominado, ABS-CBN ang kinilala para sa paghahatid nito ng de-kalidad na programa, news man o entertainment, na kinagigiliwan ng mga manonood.

Wagi naman ang Kapamilya teleserye na “Love Thy Woman” bilang TV Series of the Year sa pagpukaw nito ng puso ng mga Pilipino habang TV Actor of the Year naman ang isa sa mga bida nito na si Xian Lim.

Kinilala rin ang dedikasyon sa pag-arte nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na binotong TV Female Icon at TV Male Icon of the Decade. Ang “KyCine” naman nina Kyle Echarri and Francine Diaz ang tinanghal na Loveteam of the Year.

Panalo rin sa VP Choice Awards ang iba pang Kapamilya tulad nina “Fan Girl” star Charlie Dizon (Movie Actress of the Year), Andrea Brillantes (TikTok Star of the Year), Ivana Alawi (Breakthrough Social Media Star of the Year), Sarah Geronimo (Performer of the Year), at Francine (Promising Female Star of the Year).

Wagi rin bilang Movie of the Year ang “Fan Girl” at Movie Director of the Year si Antoinette Jadaone.

Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.