Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sey ni Pingris: Ginebra aabot sa grand slam

0 425

Naniniwala ang kareretirong Philippine Basketball Association star na si Jean Marc Pingris Jr. na huling naglaro sa Magnolia Hotshots, na kayang makasungkit ng Barangay Ginebra San Miguel ng grand slam sa sa kasalukuyang astig na lineup at pagmando ni veteran coach Earl Timothy ‘Tim’ Cone.

Sa starting unit nina LA Tenorio, Earl Scottie Thompson, Japeth Aguilar at Stanley Pringle dagdag pa si Christian Standhardinger, kumpiyansa ang nine-time PBA champion na may tsansang maka-sweep ng Gin Kings ng tatlong conference sa isang season sa liga

“Ang lineup nila ngayon and kay coach Tim, may pag-asa silang mag-grand slam, maniwala kayo. Nandyan si coach Tim at sobrang okay ‘yung lineup ng Ginebra,” litanya ni Pingris via SPIN Zoom In Miyerkoles.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa pagrenda ni Cone, nag-grand slam ang Alaska Milk noong 1996 at ang San Mig Coffee (Magnolia na ngayon) taong 2014.

“Siyempre, napagdaanan ko ‘yung ginawa sa amin ni coach Tim. Ang Ginebra na hawak niya ngayon, mas talented kesa sa amin dati. I believe talagang makukuha nila ‘yan,” sey pa ng two-time PBA Finals MVP.

Dinale ng Ginebra ang huling dalawang kumperensyang 2019 Governors’ Cup at 2020 Philippine Cup. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.