Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sey n’yo Bea, Kim: Maja ‘di iniiwan ng lalaki

0 236

Sa vlog ni Maja Salvador, ibinunyag niya na sa lahat ng naging boyfriend niya ay nagkaroon siya ng closure.

Sey pa niya, hindi raw siya iyong tipong gino-ghost dahil kapag ayaw na niya sa karelasyon ay siya mismo ang kumakawala rito.

Sa pakikipagrelasyon, tinitimbang din daw niya kung ang isang lalake ang tipong magi-stick sa kanya otherwise kung nafe-feel niyang hindi ay goodbye na raw siya rito dahil ayaw niyang magpaka-martir.

Aminado rin siyang selosa pero cute raw ang pagiging selosa niya.

Kaya raw niyang hindi sila magkita ng boyfie ng tatlong araw.

Naniniwala rin siyang dapat ay magkaroon ang isang girl ng personal space para sa kanyang sarili para hindi sila magkasawaan ng kanyang dyowa.

Thankful naman si Maja sa kanyang boyfie na si Rambo Nunez na hindi siya binibigyan ng rason na magselos sa ibang babae.

Very reassuring daw at supportive ito.

Related Posts

Kung karera raw noon ang centerstage ng buhay niya, ngayon lovelife na ang pinipili niya.

 

Alonzo buking na nagwalwal kay Gerald

Sa kanyang vlog, masaya ang naging tsikahan ni Bea Alonzo sa episode na Spill Your Guts with Beks Battallion.

Sa question and answer portion, pinili ni Bea huwag sagutin kung sino sa mga nakatrabaho niya ang most at least talented from John Lloyd Cruz, Aga Muhlach, Piolo Pascual, Ian Veneracion o Vic Sotto.

 

Sa tanong naman kung sino ang pinakalasing among the celebrities noong Star Magic Ball, inamin ng aktres na walang iba kundi siya. Katunayan, pagkukumpisal niya, naiyak pa nga raw siya noong pagkakataong iyon. Dahil sa rebelasyon niya, hirit ng ilan, nabuking na nagwalwal pala siya dahil sa ex na si Gerald Anderson.

Leave A Reply

Your email address will not be published.