Abante Tonite Interactive

SGLG award sa Bacoor

92

Sa ikaapat na sunod na taon, muling nabigyan ng parangal ang lungsod ng Bacoor, Cavite matapos tanggapin ang prestihiyosong Seal of Good Local Governance (SGLG) na nagtakda sa lahat ng Local Government Units (LGUs) na abutin ang “All or Nothing” criteria na ikinasa ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Naging posible ang pagkamit sa parangal sa mahusay na pamumuno nina City Mayor Lani Mercado-Revilla, Congressman Strike Revilla, Vice Mayor Karen Sarino-Evaristo at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod

Ang SGLG ang pinakamataas na para­ngal na ibinibigay ng DILG sa LGU, at ngayong taon ay mas itinaas pa ang criteria sa pagpasok ng mga essential area kabilang ang Financial Administration, Disaster Preparedness, Social Protection, Peace and Order, Business Friendliness and Compe­titiveness, Environmental Protection at Tourism Culture and the Arts.

24 LGUs lang mula CALABARZON ang tumanggap ng SGLG, kabilang ang dalawang Probinsya, 16 Munisipalidad at anim na lungsod kung saan nakasama ang Bacoor City.