Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shabu buking sa face mask pasaway

0 105

Isang rider ang dinakip ng Meycauayan City Police makaraang masita dahil walang suot na face mask at lumabag sa curfew habang lulan ng kanyang motorsiklo tapos nakumpiskahan pa umano ng droga sa Brgy. Malhacan, Meycauayan City, Bulacan, kamakalawa ng gabi.

Base sa report kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nakilala ang naarestong si Eduardo Valledo alyas ‘Aga’, 30-anyos, ng Brgy. Lawa, Meycauayan City na nakadetine ngayon dahil sa paglabag sa health protocol at nakumpiskahan ng shabu sa kanyang posesyon.

Nabatid na alas-11:45, Martes ng gabi, habang lulan ang suspek ng kanyang motorsiklo at bumabagtas sa kahabaan ng Sitio Bulac, Brgy. Malhacan ay matiyempuhan siya ng nagpapatrolyang awtoridad kaya pinahinto siya dahil walang suot na face mask.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dito na pinabuksan ang compartment ng motorsiklo ni Valledo at nakita umano ang isang maliit na box. Nang pabuksan ng awtoridad kung ano ang laman nito ay tumambad ang pitong pakete ng shabu kaya kaagad itong inimbentaryo sa harap ng barangay official, kinatawan ng DOJ at media.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang suspek. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.