Abante Tonite Interactive

Shabu bumbaha, bagsak presyo na!

497

Sa kabila nang walang tigil na na ­kampanya ng gobyerno kontra droga, bagsak-presyo ­ngayon ang shabu dahil sa oversupply na ito.

Ayon sa isang source na ayaw magpabanggit ng pangalan, nasa P5 milyon ang presyuhan ng shabu kada kilo noong simulan ang anti-drug war subalit patuloy umano ang pagbaba nito dahil bumabaha sa merkado.

“The price of shabu is one one is to one, (P1 million per kilo) since September due to ­oversupply in the market , it has never gone down this low, because the market is flooded,” sabi pa ng anti-drug agent.

“There was s slight increase during the ­holidays due to increased demand, but now is back to P1 million a kilo,” sabi pa ng source/
Bukod sa maraming supply dahil sa ­patuloy na pagpasok ng mga imported shabu, hindi na rin napigil ang shabu recycling.

Nasa P250, 000 hanggang P300, 000 ang kilos ng shabu na galing China.

Nang kunan ng reaksyon sa sinasabing ­failure o palpak ang drug war ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinabi ni VP ­Lenie Robredo, sinabi ng Abante Tonite source hindi failure ang drug war, gayunman, marami pang puwedeng gawin ang pamahalaan para ­magtagumpay ito. (Nancy Carvajal)