Abante Tonite Interactive

SHABU COP PINABULAGTA!

By
18

Nasawi habang ino­obserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang isang 34-anyos na lalaki ma­tapos pagbabarilin ng dating kaaway ng kanyang kuya kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Sa report kay QCPD Director Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, nakilala ang nasawing suspek na si PO3 Rexty Casagan, 33, may-asawa, nakatalaga sa Novaliches Police Station-4, at naninirahan sa Lot 12, Block 5, Adarna Extension, Brgy. Commonwealth Quezon City.

Ayon kay Senior Supt. Eleazar, nasawi si PO3 Casagan matapos umanong makipagbarilan sa mga element ng Regional Anti-Illegal Drug-Special Operation Task Group ng Natio­nal Capital Region Police Office (RAID-SOTG-NCRPO) sa pangunguna ni P/Chief Insp. Jose Joey Arandia.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Barayoga, dakong alas-11:40 ng gabi nang nangyari ang insidente sa Pilot Drive malapit sa kanto ng Adarna Extension, Brgy. Commonwealth, Quezon City.
Lumilitaw na bago mangyari ang encounter ay nagtungo sa lugar ang mga operatiba ng (RAID-SOTG-NCRPO) sa pa­ngunguna ni Chief/Insp. Arandia para sa isang buy-bust operation laban mismo kay PO3 Casagan na pinaghihinalaang drug pusher na nag-o-operate sa Novaliches at Fairview .

Isang sibilyang asset na nakilala lang sa alyas na Ek-Ek ang gina­mit ng mga awtoridad para magsilbing buyer ng shabu kay Casagan at nasa akto umanong ina­abot ang marked money sa suspek kapalit ang shabu nang nakatunog ito na may mga kabaro niya.

Dahil dito, agad na sumakay ng kanyang motorsiklo si Casagan saka pinaharurot patu­ngo sa Pilot Drive kung kaya’t mabilis naman itong hinabol ng tropa ni Chief/ Insp. Arandia.

Subalit nang masusukol ng mga operatiba si Casagan ay tinangka umano itong pasukuin subalit sa halip ay bumunot ng baril ang da­ting pulis at pinaputukan ang kanyang mga kabaro na aaresto sa kanya kung kaya’t napilitan gumanti ang mga pulis.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) sa crime scene narekober ang isang kalibre .9mm, mga bala at basyo nito maging tatlong piraso ng plastic sachet ng shabu.