Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shabu food pack pinasalubong sa presong mister

0 98

Kasama nang nakapiit ngayon ang 19-anyos na babae matapos nitong pasalubungan ng pagkaing hinaluan ng shabu ang nakakulong na mister sa La Loma Police Station 1 sa Quezon City, nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Danilo P Macerin ang nadakip na si Justine Kate Guinto, 19, taga-#648 Palanca Street, San Miguel, Quiapo, Manila.

Sa ulat, alas-4:40 ng hapon (March 7) nang mabuking ng La Loma Police Station 1 si Guinto makaraang inspeksyunin ng duty jailer ang mga dalang food packs para sa mister nito na si Sohail Arumpac na nakapiit sa nasabing istasyon dahil sa kasong ilegal na droga.

“Ang pagkakaaresto ni Guinto ay nagpapakita lamang ng pagiging alerto ng ating mga kapulisan sa loob man o sa labas ng ating stasyon,” ayon naman sa QCPD chief. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.