Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shabu inalok ng babae sa riles

0 319

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District- Police Station 4 ang isang 51-anyos na babae na naglalako ng shabu sa buy bust operation kamakalawa ng umaga sa may riles ng tren sa Buenos Aires St., Sampaloc, Maynila.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, ang suspek na si Nenita Gonzales alyas Nene, taga-Sampaloc, Maynila. Naaresto rin ang dalawang kalugar nitong drug user na sina Joseph Avila y Villar alyas Seph, 48, at Larry Sacayan y Kabrales alyas Lar, 35.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Ikinasa umano ang buy-bust operation alas-10:30 ng umaga sa nabanggit na lugar.

Nakuha kay Nene ang apat na sachet ng shabu at P500 marked money. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.