Abante Tonite Interactive

Shabu karinderya sa QC sinalakay

By
313

Tatlo katao ang dinampot ng mga operatiba ng pulisya makaraang sa­lakayin ang isang karinderya sa Quezon City kahapon na umano’y hindi lang pagkain ang inihahain dahil puwede ring umorder ng shabu ang mga suki nito na karamihan ay mga estudyante.

Kinilala ni Quezon City Police District-Talipapa Station 3 commander Supt. Alex Alberto ang mga inaresto na sina Rex Joseph Cortez Theodor, 52-anyos, may-ari ng karinderya; Arnulfo Marcelo Naquita, 54, taga-Brgy. Vasra sa nasabing lungsod; at Jennifer De Belen, 52, ng Pinagsamahan Village, Taguig City.

“May nagsumbong sa amin na front lang ang karinderya pero ang ino-order doon bukod sa mga nilutong ulam, puwede rin daw um-order ng shabu at karamihan sa parokyano nila ay mga estudyante kaya naman isinailalim na namin ito sa surveillance,” ayon kay Alberto.

Abante Hiring – IT dep

Matapos ang ilang araw na pagmamanman at nakumpirma ang natanggap na impormasyon ng pulisya ay bumuo ng raiding team ang Station Drug Enforcement Unit at sina­lakay ang karinderya na matatagpuan sa No. 5 Pluto St., Brgy. Bahay Toro, dakong alas-12:10 ng tanghali nitong Linggo.

Bukod sa mga nasamsam na iligal na droga at mga drug paraphernalia, nakakumpiska rin ang raiding team ng mga baril na isang caliber .22 Remington model 597, Garco Airgun, isang Daisy Bb caliber .45 model 105b, at isang 12-gauge shotgun.

Maliban dito ay nakakuha rin ang mga pulis ng mga sachet ng shabu sa toilet bowl na hinihinalang tinangkang i-flush upang walang makuhang ebidensya ang mga pulis.