Abante Tonite Interactive

Shabu kay mister nahuli sa panty ni misis

By
1,390

Kulungan din ang binagsakan ng isang 58-anyos na misis matapos na tangkaing magpuslit ng shabu na itinago sa kanyang panty para ipasalubong sana sa mister na nakakulong sa Manila City Jail, kamakalawa ng tanghali.

Dinala sa Manila Police District-Station 3 ang suspek na si Charito Severillo.

Bibisitahin sana ni Severillo ang asawang si Christian Eugenio pero nang kapkapan ng mga jail guard ay nakapa sa suot niyang panty ang shabu.

Nabatid na ang asawa ni Severillo ay naaresto noong nakalipas na taon dahil sa pagbebenta ng iligal na droga.