Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shabu krisis! Durugista balik marijuana

0 98

Dahil sa kakapusan ng supply ng shabu, balik-marijuana ang mga durugista sa bansa.

Ito ang report ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pulong sa Malacañang. Aniya, dahil sa sunod-sunod na tagumpay ng anti-drug operation ng mga awtoridad, nahirapan sa supply ng shabu ang mga drug user kaya bumaling ang mga ito sa paggamit ng marijuana.

“Amin pong napansin na dahil sa kahirapang makakuha ng shabu, mukhang unti-unting bumabalik naman po sa paggamit ng marijuana ang mga drug addict,” ani Año. Nito lamang aniyang nakalipas na araw ay nakakumpiska ang kapulisan ng 128 bloke ng marijuana sa Balintawak, Quezon City, habang tatlong plantasyon nito sa Benguet ang winasak.

Ayon pa kay Año, mula Enero hanggang September 30, 2020 ay nakasamsam na ang mga awtoridad ng 12.47 bilyong pusong halaga ng shabu, coccaine, ecstasy at marijuana. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.