Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shabu nakapkap sa bulsa ni kagawad

0 349

KALABOSO ang isang barangay kagawad matapos makapkapan ng 11 na sachet ng pinaghihinalaang shabu sa babayan ng Solana, Cagayan noong Biyernes.

Kinilala ni Solana Police Station (SPS) commander P/Capt. JunJun Balisi ang suspek na si Randy Casagan, 35, barangay kagawad ng Barangay Andarayan sa nasabing bayan.

Base sa report ng SPS, ayon kay Balisi, sa bisa ng search warrant na ibinaba ng korte, nahuli at nakuha sa bulsa ng suspek sa kanilang bahay ang 11 na diumanoy shabu na nakalagay sa plastic sachet na kanyang ibebenta sa kanyang mga parokyano.

Binitbit ang nasabing kagawad sa SPS ngunit pinalaya din matapos magpiyansa. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.