Abante Tonite Interactive

Shabu nasabat sa bahay ng empleyado ng barangay

By
0 1,037

Kalaboso ang isang 46-anyos na empleyado ng isang barangay nang mahulihan ng hinihinalang shabu sa loob ng kanilang bahay sa Tanza, Cavite.

Kasong paglabag sa RA 9165 ang isinampa laban sa suspek na si Allan Pimentel, binata, ng Block 10, Sec. 2 Phase 1 Pabahay, Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite.

Si Pimentel ay inaresto sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Agripino G. ­Morga ng RTC Branch 29-32.

Sa report ni PO2 Rogelio Raquin Jr. ng Tanza Municipal Police Station, dakong alas-5:30 ng hapon nang isilbi ang search warrant sa bahay ni Pimentel kasama ang Tanza Police at mga bara­ngay kagawad.

Nang halughugin, nakuha sa loob ng bahay ni Pimentel ang tinatayang 5.57 gramo ng hinihinalang shabu, at mga tea bag na hinihinalang dito nire-repack ang mga shabu.