Abante Tonite Interactive

Shabu nasamsam sa 3 sugarol

348

Balik kulungan ang tatlong lalaki na dati na umanong nakulong matapos na makuhanan ng shabu habang nagla­laro ng cara y cruz, Linggo nang madaling-araw sa Binondo, Maynila.

Nasa kustodiya ng Manila Police District-Police Station 11, ang mga suspek na sina Emer Sigue, 32; Jimmy Basque, 44, pawang mi­yembro ng Batang City Jail Gang; at Joel Evangelista, 53, miyembro ng
Commando Gang.

Inaresto ang tatlo alas-12:30 ng madaling-araw nang maaktuhan ng mga nagpapatrolyang pulis na nagsusugal ang mga ito at nang kapkapan ay nakuhanan ng tig-iisang sachet ng shabu.

Sasampahan ng kasong paglabag sa kasong may kaugnayan sa illegal gambling at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Juliet de Loza-Cudia)