Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shabu pinasalubong ng PR officer sa presong lover

0 240

Bakal na rehas ang hinihimas ngayon ng isang Public Relation Officer (PRO) matapos mahulihan ng P34,000 halaga ng shabu na tinangkang ipasok sa selda, Sabado ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) commander Talipapa Police Station 3 PLt. Col. Cristine Tabdi, ang nadakip na si Roma Agustin, 36, Public Relations Officer sa isang pribadong kumpanya na hindi binanggit ang pangalan, at taga-Camaro Brgy. Fairview, QC.

Ayon kay PCpl Paulo Tumbag, alas-8:50 ng gabi ay tinangkang ipuslit ng suspek ang 2 plastic sachets ng shabu na humigit kumulang sa 5 gramo at may street value na P34,000 sa loob ng detention cell.

SM food to go Banner Ad

Binisita umano ng suspek ang kanyang boyfriend na nakakulong sa police station at tinangkang ipasok ang pasalubong na shabu na nakabalot sa 3 piraso ng P20 na papel.

Nahalata ng police jailer ang pakay ng suspek hanggang sa mabuking ito. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.