Abante Tonite Interactive

Shabu pinasalubong sa BF na preso dalaga kalaboso

230

Nasadlak sa selda ang isang dalagang house caretaker nang makuhanan ng shabu matapos masita ng jail officer habang dinadalaw ang nakakulong na nobyo sa Malabon City, Martes nang hapon.

Nahaharap ngayon sa kasong Violation of Sec. 11 of R.A. 9165 ang suspek na si Gilyn Yumang, 23, dalaga, taga-No. 3 General San Miguel, Millones Compound, Brgy. 8, Caloocan City.

Sa imbestigasyon, bandang alas-2:40 nang hapon, nagpunta sa detention jail ng Malabon Police Station na nakabase sa Sangciangco St., Brgy. Catmon ang dalaga upang dalawin umano ang nakakulong nitong nobyo.

Tiyempong si PSSg. Joshua I. Ferdinand ang duty detention cell officer ng mga oras na iyon at mahigpit sa pag-iinspeksyon kaya pagdating kay Yumang ay binusisi ng lady jail officer ang mga dala nitong gamit. Nang kapkapan sa bulsa ay nakakuha ng isang plastic sachet na may lamang shabu na aabot sa 0.54 grams na may market value na P4,352. (Orlan Linde)