Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shabu pinuslit sa FedEx

0 303

Nasamsam ng Bureau of Customs at Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa FedEx Warehouse sa Pasay City ang dalawang magkahiwalay na package mula United States na naglalaman ng iligal na droga na aabot sa P600,000 ang halaga.

Dineklara umano ang mga ito bilang ‘gift puzzle game board’ at ‘puzzle game made of cardboard as a gift’ at dadalhin sana sa Albay at Cabanatuan City. Pero nang dumaan sa physical examination, dito na nabisto ang crystalline substance na tinago sa loob ng puzzle game board at nang suriin ng Philippine Drug Enforcement Agency ay nakumpirmang shabu ang mga ito.

Bukod dito, nakuha din ang dalawang bote ng methyl ethyl ketone, controlled chemical na ginagamit din bilang sangkap sa paggawa ng shabu, galing umano ito sa Taiwan at walang import permit.

Dinala na ng BOC-NAIA ang mga iligal na droga sa PDEA para sa imbestigasyon. Pinag-aaralan na rina ng kaso laban sa mga importer at mga kasabwat nito bilang paglabag sa RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act kaugnay ng RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

Leave A Reply

Your email address will not be published.