Abante Tonite Interactive

‘Shabu queen’ sa Meycauayan nalambat

301

Nasakote ng mga pulis ang isang 67-anyos na babae na tinagurian umanong ‘shabu queen’ sa kanilang lugar sa Meycauayan City, Bulacan matapos itong isalalim sa buy-bust operation kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng tanggapan ni Meycauayan City Police chief Police Lt. Col. Aquino Olivar, nakilala ang suspek na si Rosalina Apena y Blas na residente ng Brgy. Zamora sa nasabing siyudad.

Bandang alas-kuwatro ng hapon nang ikasa ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ang buy-bust operation sa Brgy. Zamora kung saan target ang lolang tulak na inginunguso umano ng mga residente na siyang pinagmumulan ng iligal na droga sa lugar.

Hindi na pumalag ang matanda nang arestuhin ng mga pulis.

Tatlo pang suspek, dalawa umano dito ay regular na buyer ng droga ni Apena, ang inaresto ng mga pulis matapos madatnan sa loob ng bahay ng matanda.

Kinilala ang tatlong suspek na sina Jesus Fajardo y Hernandez, 41, at Jimmy Cicon y Guyon, 27, at Mark Lindon Haynes y Peña, 41. (Jun ­Borlongan)