Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Shabu sa adobo’ nabisto sa Baguio

0 54

Bistado ng mga tauhan ng Baguio City Jail male dormitory ang iligal na droga na itinago sa mga ulam.

Ayon sa ulat nitong Miyerkoles, nadiskubre ng mga jail officer ang sampung plastic sachet na naglalaman ng shabu na nakahalo sa pork adobo at bakareta sa isinagawang inspeksyon sa padala sa mga inmate noong Pebrero 12.

Isang lalaki umano ang nagdala sa mga ulam para sa isang inmate na nagngangalang si Kevin Jaramillo.

Naka-plastic ang mga ulam kung saan nakahalo ang sampung plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalagang P136,000.

Dahil dito, sinuspinde ng Bureau of Jail Management and Penology Central Office ang pagdalaw sa mga bilanggo.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera at natukoy na ang nagtangkang magpuslit ng droga sa bilangguan. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.