Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shabu sa chicken pork adobo nabisto

0 93

Ang masarap at simpleng luto na adobo pa ang ginamit para itago sana ang hinihinalang iligal na droga na ipupuslit sana papasok ng kulungan sa Davao City.

Sa report, naghihinala na ang mga pulis sa paghatid ng ulam sa isang person deprived of liberty kaya’t inins­peksyon nila ang chicken pork adobo bago ibigay sa kinakasama ng isa sa mga nagdala sa Davao Cty Jail Annex.

Doon na umano nakita ang 15 sachet ng hinihinalang shabu.

Kinilala ang dalawa na magpupuslit na sina Dante Flores at Glenda Alapag.

Sinasabing inutusan lang umano si Alapag ng kanyang dating live-in partner na PDL na magdala ng ulam sa pasilidad.

Sinabi ni JSI Jayrone Maborang, Deputy Warden ng DCJ annex, na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

Itinanggi naman nina Alapag at Flores na sinadya nila ito o tinangka nilang ipasok ito.

Sa taya ng mga awtoridad, nasa P32,000 umano ang halaga ng ipupuslit na iligal na droga.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may nagtangka na magpuslit ng droga sa naturaang piitan. Noong Setyembre 7 ay nakuhanan din umano ng droga ang pork humba at siling berde na ibibigay sana sa isang bilanggo. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.